Advertisers

Advertisers

15 pulis sa ‘missing sabungeros’ hawak na ng PNP

0 17

Advertisers

INAMIN ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre III, na nasa kustodiya na nila ang 15 pulis na isinasangkot sa pagdukot at pagpaslang sa mga nawawalang sabungero.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, sinabi ni Torre na mula sa iba’t ibang yunit ng pulisya ang mga nasabing pulis, na ang pinakamataas ay may ranggong Lt. Colonel.

Sa nasabing bilang, tatlo sa mga ito ang dismiss sa serbisyo, isa ang malapit nang magretiro, habang ang iba ay pawang aktibo pa.



Pero sinabi ni Torre na hindi nagtatapos sa 15 pulis na maaring sangkot sa pagkawala at pagpatay sa mga nawawalang sabungero dahil posibleng marami pa rito ang bilang, base narin sa salaysay ng iba pang saksi.

Kinumpirma rin ni Torre na nasa kanilang pangangalaga ang whistleblower na si alyas “Totoy” at nag-apply na ito sa witness protection program.



Tiniyak ni Torre na gagawin ng PNP ang lahat ng kanilang makakaya para mapanagot ang mga nasa likod ng krimen, at para makamit ng mga pa-milya ng mga biktima ang hustisya na matagal na nilang inaasam.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">