Advertisers
Arestado ang isang negosyante nang barilin ang kalugar at kapwa negosyante (scraper) sa Malabon Linggo ng gabi.
Sa ulat kay Northern Police District Director PBGen. Arnold E. Abad ni Malabon police chief PCol.Allan Umipig, kinilala ang suspek na si alias”Arnel”,53 , businessman na nahaharap sa kasong Attempted Homicide at paglabag sa RA10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) .
Sa ulat, 10:30 , Linggo ng gabi , nag-iinuman ang suspek at ang biktimang si alias ” Ricky”, 49, kapwa residente ng Gabriel Compound, Brgy. Catmon, kasama ang dalawa pang lalaki nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima dahilan para suntukin ng biktima ang suspek.
Dito na bumunot ng kanyang baril ang suspek at pinaputukan ang biktima at tinamaan sa kanang binti at isinugod sa Ospital ng Malabon.
Sa isang tawag sa 911 – 5 minutes response sa PNP, dumating sa lugar ang mga tauhan ng Sub- Station- 4 , kasama ang SWAT MCPS at lima pa at nasukol ang suspek.
Narekober sa suspek ang isang Armscor Caliber 45 Pistol na kargado ng isang magazine at dalawang cartridges.
Kasalukuyang nasa Custodial.Facility ng MCPS ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso sa City Prosecutor’s Office.Beth Samson )