Advertisers

Advertisers

Bebot timbog sa pagbebenta ng anak

0 14

Advertisers

ARESTADO ang 23-anyos na babae nang subukan ibenta online ang kanyang isang buwan na sanggol sa Pasay City.



Isinagawa ang entrapment operation ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP WCPC) sa Barangay 197, kungsaan nasagip ang sanggol at inilipat sa kustodiya ng Department of Sociaal Welfare and Development (DSWD).

Nag-ugat ang pag-aresto nang mapag-alaman na may online group chat, kungsaan iniaalok ang mga bata para ampunin.

Isang undercover officer ng PNP WCPC ang nagpanggap na mag-aampon.

Humingi raw ng P100,000 ang suspek kapalit ng bata, ngunit bumaba ito sa P90,000 matapos ang negosasyon.

Sinabi ng ina na ginawa niya ito dahil sa problemang pinansyal, kabilang ang gastusin sa ospital kungsaan siya manganak, utang, at pangangailangan ng kanyang tatlong taon gulang na anak.

Nahaharap ang ina sa kasong human trafficking at child abuse.