Advertisers

Advertisers

Manay Lolit natupad ang wish na makita ulit ang dating alagang si Gabby; BreKa unang Big Winner Duo ng PBB

0 29

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ANG duo nina Brent Manalo at Mika Salamanca na BreKa ang tinanghal na kauna-unahang Big Winner Duo ng ‘Pinoy Big Brother’.

Si Brent ay tinaguriang Ang Gentle-Linong Heartthrob ng Tarlac dahil sa pagiging Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Advertisng Management sa De La Salle University.



Naging bahagi siya ng teleseryeng ‘The Broken Marriage Vow’ at series na ‘Beach Bros’.

Naging kontrobersyal naman si Mika sa ilang isyung binato sa kanya kaya siya tinawag na Ang Controversial Ca-Babe-Len ng Pampanga.



Kasulukuyang napapanood si Mika sa Kapuso fantaseryeng ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ bilang Anaca.

Nakakuha ang BreKa ng 33.03% combined votes kung saan 0.43 ay evict votes at 33.46% naman ay save votes na pinakamataas na save votes.



Second Big Placer naman ang RaWi duo nina Ralph de Leon at Will Ashley na may 25.88% combined votes.

Nakakuha naman ng 22.91% ang CharEs duo nina Charlie Fleming at Esnyr at sila rin ang may pinakamababang evict votes na 0.35%.

Fourth Big Placer naman ang AZVer duo nina AZ Martinez at River Joseph na may 8.77% kung saan sila rin nakakuha ng lowest save votes na 11.54% at highest evict votes na 2.77%.

***

WISH ni Manay Lolit Solis na dalawin siya ng dating alagang si Gabby Concepcion!

Natupad naman ang wish ni Manay Lolit.

Yun nga lang sa burol niya na siya dinalaw ni Gabby.

Sa second night nga ng wake ni Manay Lolit noong Sabado (July 5) ay pumunta ang aktor sa Aeternitas Chapels and Columbarium sa Commonwealth Avenue, Quezon City para makita sa huling pagkakataon ang kanyang dating manager.

Closed ang coffin ni Manay Lolit, pero pinabuksan ‘yon ng anak niyang si Sneezy McDonald para makita nga ni Gabby ang mga labi ng kanyang ina.

Kasama ni Gabby na pumunta sa burol ni Manay Lolit ang manager niyang si Popoy Caritativo.

pumunta sa burol ni Manay Lolit ang manager niyang si Popoy Caritativo.