Advertisers

Advertisers

IMPEACHMENT TRIAL NI MISFIT SARA MATUTULOY

0 72

Advertisers

MATUTULOY ang impeachment trial ni Misfit Sara kahit anong sagwil or sagabal ang ilatag ng kanyang mga kakampi sa Kongreso, lalo na ang Senado. Malinaw ang probisyon ng Saligang Batas; hindi maaaring ipagpaliban ang paglilitis kay Misfit Sara. Marapat gawin ito agad dahil ito ang itinatadhana ng Konstitusyon. Marapat lamang desisyunan ng Senado ang kapalaran ni Misfit Sara sa agarang paglilitis sa kanya.

Walang dahilan upang muling ipagpaliban ang impeachment trial ni Misfit Sara. Hindi maaari ang anumang desisyon ng Senado na i-dismiss ang Articles of Impeachment na isinampa ng Camara de Representante hanggang walang paglilitis kay Misfit Sara. Hindi puede magdesisyon ang Senado na ipawalang sala ng mga senador si Misfit Sara ng ganoon lang at hindi siya nilitis.

Tamang nilitis si Misfit Sara. Tama na hinarap ng Camara ang anumang ebidensya laban sa Misfit kung nilabag niya ang Saligang Batas at batas bilang pangalawang pangulo. Hindi siya maaaring magtago sa saya ng mga kakampi sa Senado tulad ni Bato, Imee, Robin, Migz, Alan Peter, Bong Go Go, at higit sa lahat – si Tricky Tsis. Tama lang na mailabas ang mga katibayan laban sa kanya at kung sino sa mga senador na kumakampi sa kanya.



Hindi mapipigil kahit ng Korte Suprema ang paglilitis kay Misfit Sara. Walang poder ang Korte Suprema upang pigilan ang paglilitis sa Misfit. Hindi kami kumporme na hanapan ang Camara ng kung anong pruweba upang patunayan na naging maayos ang proseso ng impeachment kay Misfit Sara noong mga nakaraang buwan.

Hindi hawak ng Korte Suprema ang kapalaran ni Misfit Sara. Hindi ang Camara ang nasa ilalim ng paglilitis. Iisa ang nililitis at ito ay si Misfit Sara dahil may nilagdaang Articles of Impeachment ang 240 kasaping mambabatas noong ika-5 ng Pebrero. Marapat igalang ito ng Senado at kahit ng Korte Suprema.



Pabor kami na sampahan ng sakdal na kriminal ang mga senador na pipigil sa paglilitis ni Misfit Sara. Pabor kami na ang mga naturang senador ang litisin ng anumang hukuman. Sila kasi ang mga kriminal sa sandaling bigyan nila ng proteksyon si Misfit Sara.

***



MAY kampanyang binanggit si Col. Gilbert Cruz, hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa kanyang pagharap sa Kapihan sa Kyusi noong Linggo. Ito ang kampanya laban sa mga abusadong online lender, ani Cruz. Sila ang mga nagpapautang sa mga taong nagigipit. Nagbibigay sila ng pautang kahit walang ganoong background check at kadalasang, ang info sa social media ang basehan.

Sa kanyang pagharap sa media forum, binanggit ni Cruz na target ng kampanya ng PAOCC ang mga abusadong online lender na ginamit ang kanilang platform upang isailalim ng ibayong paghihirap ang mga naghihikahos na humiram ng pondo sa kanila.

Abot sa 15,000 reklamo ang natanggap ng PAOCC mula sa iba’t ibang nilalang na humiram ng pera mula sa online lender. Abot sa mahigit 200 reklamo ang masusing sinisiyasat ng PAOCC at nakilala na ang maraming abusadong online lder.

Kasama sa kanilang abuso ang wala sa katwiran at kagandahang asal na paniningil sa mga naghihirap. Pinapahiya umano ang mga naghihirap kapag hindi nakakabayad. Kasama sa mga reklamo ang wala sa panahon paniningil at kapag hindi nakakabayad, ikinakalat ang kanilang kakulangan sa pagbabayad ng utang.

May mga balita na natanggap na may isa o dalawang nanghiram ang nagpakamatay dahil napahiya sa ginagawa ng mga online lender, ani Cruz. Kailangan wakasan ang kanilang maling gawi, aniya. Plano ng PAOCC na mapawalang bisa ang kanilang permit to operate at ipagharap ng kaukulang sakdal sa hukuman ang mga tiwalang online lender, aniya.

***

HINDI namin alam kung saan humuhugot ng lakas at loob at kakapalan ng mukha si Alan Peter Cayetano. Kamakailang muling nangarap si Alan Peter na kailangan ipakita umano ng sambayanang Filipino ang malasakit kay Gongdi sa pagpapatawad sa kanya at paghingi si ICC na pauwiin na siya. Ang problema nga lang ay awang awa siya kay Gongdi pero hindi siya naawa sa pamilya ng mga ipinapatay ni Gongdi sa ilalim ng madugo pero palpak na digmaan niya kontra droga.

Marami sa ipinapatay ni Gongdi sa ilalim ng sumabit na war on drugs ni Gongdi ay mga ama ng tahanan na inaasahan na sumusuporta sa kanilang pamilya. Dahil ipinapatay sila ni Gongdi, nawalan ng breadwinner ang mga naulila. Ngayon, gusto ng mapagkunwaring si Alan Peter na patawarin na si Gongdi at pauwiin sa bansa dahil matanda na at mahina ang katawan. Mukhang nagkaroon ng katok sa pag-iisip si Alan Peter.

Nagpapanggap na Kristiyano si Alan Peter ngunit sinuportahan niya ang walang habas na pagpatay na ginawa ni Gongdi sa mga kababayan na pinaghinalaan na sabit sa madugo pero palpak na war on drugs. Siya ang Kristiyano umano pero tanggap niya ang maramihang pagpatay ni Gongdi.