Advertisers
Walang na batayan na makakamit ng bansa ang pag-unlad sa ekonomiya sa kasalukuyang panahon. Ang pagsunod sa serbisyong industriya sa nagdaan na nagpapatuloy sa kasalukuyan ang salang galaw. Ang umaasa ang pamahalaan sa ipinadalang salapi ng mga OFW ang bumansot sa ekonomiya ng bansa. Ganap na malaking tulong ang padala ng mga OFW sa pamahalaan ngunit may iba ang silip ng mga eksperto na ‘di sapat ang hakbang sa pagpapalakas ng kabuhayan ng bansa na umasa sa industriya ng serbisyo. Panandalian ang pakinabang sa salaping ipinapadala ng OFWs. Sa pamahalaan, tuunang palakasin ang negosyo ng paglikha o paggawa at palakasin ang kagalingan Pinoy. Ang pagtuon sa negosyo na banggit sa itaas ang naisantabi at natuon o umaasa sa mabilisang pagkakamit ng salaping ‘di pangmatagalan.
Ang ‘di pinaghandaang sa pangmatagalang pakinabang ang sakit na ‘di nawala at patuloy na pina-iiral ng pamahalaan noon hangang ngayon. Ang masakit umasa at naging karaniwan ang paghiram ng pondong may tubo. Ang ‘di makamit ang panustos sa nakakalap na buwis ang paghiram ang landas na tahak ng pamahalaan sa matagal ng panahon. Ang masakit, ‘di mapalaki ang pakinabang sa salaping ipinadadala ng OFWs. Hindi pa banggit ang pagbaba sa binabayad na buwis ng mayayaman na may kurot sa puso ng nakakaraming Pinoy na patuloy bumabalikat sa tustusin ng pamahalaan. Samanatala, patuloy ang paglaki sa tustusin ng tao sa laylayan sa mahal ng bilihin na nagpapabagal sa kanilang pag-unlad.
Sa kabilang banda, ‘di makaalis ang bansa sa kategorya ng mababang gitnang uri dahil sa ‘di umaangat na kabuhayan ng nakakaraming Pinoy. Sa pag-aaral,’di makakamit ng bansa ang umangat ang antas ng ekonomiya sa gitna ng gitnang uri sa taas ng halaga ng bilihin na pinapasan ni Mang Juan. Sa pagtala, kahit sa pagtatapos ng termino ng kasalukuyang pamahalaan at sa pagtatapos ng papalit na pamahalaan, malabong makamit ang ibig na pagtaas sa katayuan ng ekonomiya ng bansa sa kadahilanan na banggit sa unahan. At ang palaasa sa hilaw na sangkap na galing sa ibang bansa ang silip na dahilan at ang mababang sahod ng maraming Pinoy na sanay tustusin sa pagpapagalaw ng ekonomiya ng bansa. Ang ‘di kumikilos na ekonomiya ng bansa ang dapat tuunan ng mga mahuhusay sa pamahalaan at bigyan diin sa mga mungkahi na walang magandang maidudulot sa bansa ang pagiging palaasa sa paggamit ng mga hilaw na sangkap na nagmumula sa labas ng bansa. At ang pangunahing dahilan ng pagka bansot ng ating ekonomiya.
Sa mga namumuno, ang pag-ayon sa mabilisang pagkakaitaan ang salang asal na ‘di nakakalasap ng ganap na pakinabang. Ang makamit ang biglaang pagyaman tulad ng kapalaralan sa paglalaro sa sugal ang karaniwang gawi ng Pinoy na nakalimot na linangin ang sariling kagalingan at inasa sa swerte ang kinabukasan. At ang landas na tinhak o tinatahak sa kasalukuyan. Sa ilang mapalad, maaring makamit ang kagalingan ngunit umasa na ‘di pangmatagalan ang palad na natamo at asahan ang mabilis na paglisan ng kapalaran. Samantala, sa nagsusumikap at nag-iibayo ng kakayanan, umasang matatamo ang pangmahabaang pakinabang at umasang maisasalin sa salinlahi. Walang pagdududa sa galing ng negosyanteng Pinoy na nagawa ang pagbangon ng kabuhayan dahil sa pagsusumikap.
Walang saysay ang lumingon sa ibang dako sa paglilinang ng kabuhayan ng bansa dahil magaling ang Pinoy na negosyante na ganap ang karanasan na hinubog sa sariling bansa. Maraming aral ang mapupulot sa karanasan ng mga negosyanteng Pinoy na akma sa kalakaran ng Negosyo sa bansa. Sa nakaraang panahon, maririnig ang kasabihan na paunlarin ang sariling atin subalit ‘di natukoy ang direksyon o landasin sa pagsasarili. Ang umasa sa mabilisang pagkakakitaan ang salang galawan o aspeto na nilandas ng mga nakaraang pamahalaan at ng kasalukuyan. Hindi nalinang ang kagalingan at paggamit ng likas yaman ng bansa sa pagpapalakas ng sariling atin. At tila salita o bansag ang aral sa nakaraan na pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Sa toto lang, mahirap na makakamtan ng bansa ang malakas na ekonomiya kung patuloy na aasa sa hilaw na sangkap na galing sa ibang bansa. Ang pagbanggain ang galing ng obrerong Pinoy at paggamit na likas yaman ng bansa na mababa ang halaga ang landasin sa pagpapalakas ng sariling atin. Pangalawa, palaganapin, ibigin at tangkilikin ang produktong sariling atin. Hindi binabangit na magsara sa isip at pananaw sa iba sa halip unahin ang gawang Pinoy bago ang sa ibang lahi.
Sa toto pa rin, hindi ganap na sinasangayunan na ‘di makakamit ng bansa ang makamit ang gitnang gitnang antas ng kabuhayan sa nalalapit na panahon. Ang mabilis na pag-aaralan at paglipat ng mga uunahin sa pagpapalakas ng ekonomiya ang dapat gawin. Ang umiwas sa pagiging palaasa sa mga sangkap na galing sa labas ng bansa o limitahan. Ang paunlarin ang sarili at gawang atin landas na isabuhay ng mabawasan ang pagkunsumo sa produktong inaangkat at madadama ang dahan dahang mawala ang pagnanais sa produkto ng ibang kahi. Ang maaayos na gawang Pinoy na mailalaban sa produktong dayo ang magpapalakas sa pagtangkilik ng sariling atin at maaabot ang antas hanggang sa tahanan ni Mang Juan at sa bayan. Matagal na ang programa ng pagpalakas ng ekonomiya ng bansa ngunit kailangan sangkapan ng edukasyon at pagpapatupad hangang sa baba ng lipunan.
Bilang panghuli, walang saysay ang pagpapaunlad kung hindi makikitaan ng magandang halimbawa ang mga tagapagpaganap. Ang magsakrispisyo at bawasan ang kasakiman ang kagalingan na ibig mamalas ng bayan, Ang payak na paglahok ng tao higit sa pagtangkilik sa gawang Pinoy ang pag-unlad na inaasahan at ang tamang galaw. Madilim ang tahakin sa paglago ng kabuhayan ng Pinoy, ngunit umaasa na masisimulan ang pagkamit sa pag-unlad sa pagbabawas sa kasakiman ng iilan.
Maraming salamat po!!!!