Advertisers

Advertisers

SUGAL SA CELFONE

0 8

Advertisers

MAINIT na usapin ngayon ang online gaming. Di naman siguro dahil sa mainit na isyu rin ng “talpakan” o’ online sabong na ikinamatay at ikinawala ng marami nitong apisiyinado, konektado ang isyu.

Pero ang online gaming, sabi ng karamihan, ay nakakabahala na. Nabalitaan niyo naman siguro, ang mga nahuling driver diyan sa Paranaque, kung saan ang iba sa kanila ay inirereklamo na ng mga pasahero na sobra sobra kung maningil ng pamasahe. Ang dahilan pala, eh natalo na sa online gaming.

Aba eh para sa akin, delikado nga ito. Dahil wala na atang Filipino ang walang ‘celfone’ o’ mobile phone. Di lalo na sa mga kabataan, ang kanilang mga celfone, ay may internet access, saan man sila nandoon basta may internet signal.

Eh etong, online gaming, eh naaaccess thru internet, ika nga. So kahit saan nanduron ang may celfone, makakapag-online game ito. Di lang basta laro ito, ha! Me pusta ito! Sugal ang gawaing ito.

At yan ang pangunahing motibo ng mga nagimbento ng online gaming, ang kumita sa sugal. Di na nga mabilang sa daliri ang nagsulputang mga platform ng online gaming, kanya-kanya sila ng imbento ng pangalan para mas madaling tandaan ng mga mahilig magsugal.

Nabahala na rin ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) pero agad na nagsabi, na ayaw nito na ipagbawal ang online gaming. Dangan kasi, kumikita rin ang ahensiya rito. Bukod sa lisensiyang kinukuha sa kanila, me bahagi ng kita na inireremit sa Pagcor ang mga onlie apps.

Maski nga mga taga-showbiz ay kumita na rin dito, bilang mga endorser. Di niyo ba napapansin ang mga billboard at kahit na mgs footbridge, eh kahit ngabmga poste ng LRT, MRT, at kung ano ano pa, eh may mga tarpaulin ng mga showbiz endorser na nagaanyaya sa publiko na subukan maglaro o’ magsugal.

Wala pang limit sa pwedeng itaya rito ha. Mapa-sentimo o’ daang libong piso ay pwedeng makapaglaro o’ makapagsugal na.

Kita mo nga naman, tinuruan na tayong lahat na mag-sugal. Kung sabagay, nakakalibang daw ito, dibersiyon nga para sa iba, na laging may pang-sugal. Eh paano naman yun wala na ngang makain, at maliit lamang ang kita, kung maenganyo ng online gaming? Di lalo nang nagka-hetot-hetot na ang buhay.

May nabalitaan na rin ako, na matapos tumanggap ng ayuda ng pamahalaan upang maibsan ang kanilang paghihirap ay isinapalaran oa sa online gaming. Yun natalo at wala na namang nakain.

Kailangan nating desisyunan ang isyung ito. Ipagsasang-alang-alang ko na lang yan, sa damin ng ating mga mambabatas na sila ring gumawa ng batas hinggil sa pagsusugal. Na nyo!