Advertisers

Advertisers

19-anyos na babae nangholdap ng taxi driver

0 50

Advertisers

ARESTADO ang isang 19-anyos na babae nang tangkain nitong holdapin ang taxi driver sa pamamagitan ng pagtutok ng kutsilyo sa Barangay Buhangin, Davao City, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat, nagresponde ang mga awtoridad sa tawag mula sa Cetral 911 hinggil sa insidente sa San Gabriel Street, Dumalas.

Ang salarin, na kinilala sa alias “Jaysa”, residente ng Sto. Niño, Barangay Marapangi, ay sumakay sa taxi na minamaneho ng 45-anyos na si Gerry sa Toril terminal, para magpahatid sa Southern Philippines Medical Center sa Bajada.



Pagsapit sa San Gabriel Street, Monton, nagdeklara ng holdap ang babae, tinutukan nito ng kutsilyo sa tagiliran ang driver.

Subali’t nahawakan ng driver ang kamay ng babae at nagawang labanan. At sa tulong ng concerned citizens, naaresto ang babaeng hol-daper at naagaw ang gamit niyang kutsilyo.



Dinala ng mga nagrespon-ding pulis mula sa Buhangin Police Station ang salarin, na nahaharap sa ‘robbery with intimidation’.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">