Advertisers
Maituturing nang national crisis ni Senador Joel Villanueva ang salot na online gambling sa bansa.
Ayon sa senador, ang online gambling ay hindi na lamang isang libangan kundi isa nang seryosong pambansang krisis dahil maraming inidibidwal ang nalululong dito.
Mas malala pa aniya ang online gambling sa e-sabong at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na una nang ipinagbawal sa pilipinas.
Samantala, tinabla rin ni Villanueva ang isa mga mobile wallet na kahit maghigpit sila ng rules sa pagpo-promote ng online gambling, hindi pa rin ito sasapat.
Aniya, panahon na upang tuluyan i-total ban ang online gambling.
Umaasa naman si Villanueva na mababanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang isyu ng online gambling makaraang tuluyang ipagbawal ng pangulo ang POGO.
Bagama’t aniya mabigat itong panawagan, hindi naman daw niya pini-pressure ang pangulo ngunit ito aniya ang nararapat na gawin.
***
Samantala isinusulong din ni Senator Raffy Tulfo ang total ban sa lahat ng uri ng online gambling sa bansa, kabilang na ang mga accredited ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ayon sa senador, maghahain siya ng panukalang batas sa susunod na linggo upang tuluyang ipagbawal ang online gambling dahil sa lumalalang epekto nito sa lipunan.
Tinukoy ni Tulfo na tila isa nang epidemya ang online gambling sa bansa, kung saan pati mga bus at jeepney drivers ay nahuhuling nagsusugal habang namamasada, at maging ang mga bata ay natututong mangupit para lang makapagsugal gamit ang cellphone.
Aniya, madaling ma-access ang mga online gambling platforms kaya mas malawak at mas mabilis ang negatibong impluwensiya nito sa publiko.
Dahil dito, nanawagan din si Tulfo sa PAGCOR na itigil na ang lahat ng advertisement ng online gambling—maging sa billboards, TV, radyo, print, at social media.
Giit ng senador, kahit mawala ang inaasahang P140 bilyong kita mula sa online gaming, marami pang ibang mapagkukunan ng pondo ang gobyerno nang hindi nakokompromiso ang moralidad at kinabukasan ng mga Pilipino.
Naniniwala si Senador Tulfo na hindi niya pupwedeng diktahan ang Pangulo sa mga magiging hakbang at desisyon nito.
Pero giit niya, nangangarap siya na magiging parte ng State of the Nation Address ang pagtalakay hinggil sa online gambling at pagbanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang posisyon dito.
Umaasa ang senador na magkakaroon na ng total ban ng e-gambling sa bansa.
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.