Advertisers

Advertisers

Raffy Tulfo sa mga celebrity, social media influencer: Pag-endorso sa illegal online gambling platforms, pag-isipang mabuti

0 61

Advertisers

NANAWAGAN si Senador Raffy Tulfo sa mga celebrity at social media influencers na mag-isip nang dalawang beses bago i-promote ang mga online gambling platform kasunod ng pagpapaigting ng gobyerno sa pagsugpo laban sa mga illegal betting operations.

“Siguro sa kanila trabaho lang, walang personalan. Pero ang hindi nila alam, maraming nasisira dahil dito,” pahayag ni Tulfo sa press briefing.

Ayon kay Tulfo, “Who knows? Baka kamag-anak nila, mga mahal nila sa buhay ay nalululong na sa sugal na ine-endorso nila sa social media, TV, o radyo.”

“Dapat isipin nila ang epekto sa kanilang followers. Baka sa huli, imbes na matuwa, aalis na sa kanila at ‘di na magfa-follow. Baka sabihin pa, ‘Dahil sa iyo, na-bankrupt ako. Nasira ang buhay ko,’” dagdag pa niya.

Ginawa ng senador ang reaksyon kasunod ng pinakabagong direktiba mula sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na nagbabala sa mga influencer sa pag-promote ng mga hindi lisensyadong online gambling platform.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Base sa ulat ng CICC, tinatayang 80% ng mga nangungunang content creator ang nagtanggal na ng kanilang mga post patungkol sa pagsusugal. Gayunpaman, ang natitirang 20% ay hindi pa nakasusunod.

Upang mapaigting ito, nakikipag-ugnayan ang CICC sa mga pangunahing social media platform upang tanggalin ang mga account ng mga patuloy na lumalabag.

Nag-iimbestiga na rin ang cybercrime arm ng Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa 13 high-profile influencer na may 46 milyong followers sa pangkalahatan.

Nabatid na ang mga indibidwal na ito ay iniulat na kumikita ng 50% hanggang 60% sa kita naman mula sa mga gambling site na kanilang pino-promote kung saan karamihan dito ay nag-o-operate nang walang proper licenses o safety protocols.