Advertisers

Advertisers

Marco Sison hihirit sa Seasons of OPM

0 37

Advertisers

Ni BLESSIE CIRERA

SA kabila na 45 years na sa music industry ang OPM icon na si Marco Sison, wala pa ring kupas ang kagandahang lalaki niya at ang husay sa pag-awit.

Sino nga ba ang makalilimot sa mga sikat na awiting My Love Will See You Through, Always, Make Believe, Si Aida, Si Lorna o si Fe at marami pang iba

Mula nuong late 70s, ilang awitin na ni Marco ang naririnig natin sa mga radio station at hanggang ngayon ay paborito pa rin ang mga itong kantahin sa mga videoke bar at pinanlalaban dn sa singing contest.

Ika nga ni Marco, likas daw sa mga Pinoy ang pagkamahiligin sa mga love songs.

Sa ginanap na solo mediacon ni Marco kamakailan, nabanggit niya ang pasasalamat na hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa industriya.

Gayunman, hindi maitago ng OPM Icon ang lungkot pag naaalalang nawala na ang dalawang orig members ng kanilang grupong Hitmakers, sina Rico J. Puno at Hajji Alejandro.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Natanong si Marco kung sino sa palagay niya ang pwedeng pumalit kina Rico at Hajji, sagot niya, “Walang pwedeng pumalit sa dalawa. Kung sakali pwede namang babae na lang gaya ni Pops (Fernandez) na nakasama na namin sa show noon. Pwede rin sina Lani Misalucha, Zsa Zsa Padilla,” tsika ni Marco.

Hindi rin naitago ni Marco ang paghanga sa balladeer na si Christian Bautista dahil kahit tahimik ay epektibong singer naman.

Dagdag pa ni Marco, tila unang major concert niya ang Seasons of OPM na gaganapin sa The Theater at Solaire, Parañaque City.

Ang Musical Director ng show ay ang music legend na si Louie Ocampo sa direksyon ni Calvin Neria.

Ang Seasons of OPM ay prinudyus ng Echo Jham Entertainment Production and Toplex Advertising.

Sa panghuli, natanong sl Marco kung may gusto pa ba siyang mangyari sa kanyang career?

“Sana magkaroon pa ko ng isang hitsong at isang mas malaki pang concert,” pagtatapos ni Marco.