Advertisers
MULING pinatunayan ni Alyssa Valdez kung bakit siya tinawag na “The Phenom,” nagtala ng triple-double performance sa Iloilo leg ng 2025 Premier Volleyball League (PVL) On Tour Linggo.
Tumipa si Valdez ng 19 points (16 attacks, at three aces), kabilang ang 11 excellent digs at 15 excellent receptions upang buhatin ang Cool Smashers sa panalo kontra Cherry Tiggo sa four sets.
Pinahayag ng 32-year-old volleyball icon ang kanyang pasasalamat sa di -natitinag na suporta ng mga Ilonggos,lalo nang malasap ng Creamline ang nakakagulat na pagkatalo sa ZUS sa unang araw ng Iloilo leg.
Gumawa siya ng all-around performance at ipinagmalaki ang kanyang depensa para punan ang pagkawala ni Bernadeth Pons, na nasa national beach volleyball team, at Tots Carlos, na may minor injury.
Galing sa back-to-back losses, na unfamiliar territory para sa Creamline, binahagi ni Valdez na ang susi para manalo kontra Chery Tiggo ay matutu at muling masiyahan sa volleyball.
“Honestly, I think one thing that we realized, and we learned is that to enjoy the game and respect the game,” anya.
“We had a lot of lapses, and very specific lapses during our game (against ZUS) so we adjusted,”dagdag niya.
Tinapos ng Creamline ang first round na may 3-2 win-loss card.