Advertisers

Advertisers

MERON NGA BA TAYONG FREE WIFI?

0 18

Advertisers

MERON akong nabasang makabagbag damdaming social media post na may kasamang picture ng mga taong nakatutok sa kanilang mga celfone sa harap ng saradong tila coffee shop.

Ang larawan sa post ay kuha sa CCTV ng coffee shop, at ang may-ari pala nito ang nag-post, kung saan sinasabi niya, na ang mga tao sa photo na iyon, ay sinasamantala pala ang paggamit ng libre ng kanilang wifi, na kanyang laging nakakakalimutan patayin o’ i-off sa tuwing sinasarado na ang kanilang shop.

Noong una raw, lagi siyang nagtataka, kung bakit bumabalik ang mga tao sa tapat o harapan ng kanilang saradong coffee shop, at huli na nang kanyang mapagtanto, na ‘nakiki-wifi’ pala ang nga ito.

Di man niya, kilala ang mga taong laging tumatambay doon, aigurado siyang ang iba sa kanila ay kanilang parokyano. Nagkakape, bumibili o’ nagmemeryenda sa kanilang coffee shop, kaya’t nalaman at nakuha nito ang password ng kanilang wifi.

Ganyan na ang katumbas ngayon, ng wifi, isa na itong pangangailangan. Ngunit hanggang sa ngayon, kailangan mo ng pangbayad para makagamit nito at makapag-internet.

Ito ang dala ng ating makabagong panahon, na ang impormasyon at komunikasyon ay isa ng pangangailangan. At wifi lamang ang tanging kasagutan, kung nais mo na mapadali ang pagkuha ng impormasyon o’ makipagkomunikasyo.

Pero paano kung may bayad ito? So nga-nga ka. Wala kang pera wala kang pang-wifi, na ngayon ay may kapatid pang “data”.

Gaya ng may-ari ng coffee shop, hinahayaan na lang niyang maki-wifi ang mga taong kanyang nakikitang nakatambay sa kanila, kahit sarado na ang kanilang tindahan.

Dahil para sa kanya, ito ay maaaring makatulong sa isang mag-aaral na naroon, para makapag research sa kanyang assignment o project. O’ kaya naman ay magulang na nais makumusta ang malayong anak, o’ kaya isang aplikante na kailangang magsubmit ng mga requirements online.

Malaking bagay ang libreng wifi. Ano naman kaya ang nagagawa ng ating Department of Information and Communications Technology (DICT) matagumpay na nga ba ang inyong “Free Wi-Fi for All” Program? Paki balitaan nga ako dito, nang maipag-paalam naman natin sa publiko na meron palang Libreng Wifi.