Advertisers
Umakyat na sa 12 ang iniulat na nasawi dahil sa habagat at bagyong Crising, Dante at Emong, ayon sa NDRRMC nitong Huwebes. Dalawa pa lamang ang kumpirmado, tig-isa sa Northern Mindanao at Caraga habang 10 ang bineberipika.
Walo ang nawawala, dalawa rito kumpirmado mula Western Visayas.
Aabot na sa 765,869 pamilya (halos 2.7 milyon katao) ang apektado sa 3,712 barangay sa 17 rehiyon.
Higit 40,000 pamilya ang nasa evacuation centers at 23,830 pamilya ang tinutulungan sa labas.
Tinatayang pinsala: P366.77 milyon sa agrikultura at P3.77 bilyon sa imprastraktura. Nasa 2,431 bahay ang napinsala, kabilang ang 423 na tuluyang nawala. (Boy Celario)