Advertisers
PORMAL nang kinasuhan ang 12 aktibong pulis na iniuugnay sa pagkawala ng ilang sabungero, ayon sa National Police Commission (Napolcom).
Ayon kay Edman B. Pares, director ng Napolcom Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS), may “probable cause” upang sampahan ng kaukulang kasong administratibo ang naturang mga pulis.
Kinasuhan si Colonel Jacinto Malinao, Jr. ng kasong grave misconduct, grave neglet of duty at conduct unbecoming of a police officer.
Habang ang 11 pang sinampahan ng kasong grave misconduct at conduct unbecoming of police officer ay sina Lt. Col. Ryan Jay Orapa, Major Philippine Almedilla, EMSgt Aaron Ezrah Cabillan, CMSgt. Arturo Dela Cruz Jr., SMSgts. Joey Encarnacion, Mark Anthony Manrique, at Anderson Abary; SSgts. Edmon Munoz, Alfredo Andez, Renan Fulgencio, at Cpl. Angel Joseph Martin.
“Pinaka-una naming batayan ang ebidensya namin to consider whether there is probable cause primarily ‘yung affidavit na binigay ni alias Totoy sa atin, si Julie Patidongan and meron din ho kaming other documents in which we will be attaching in our formal complaint para masagot din nila at ma-consider ng ating hearing officers at Napolcom,” wika ni Pares.
“Tinitingnan namin doon sa kanyang affidavit there were statements na there was a fact actually in some ways na had been a participation on his part pagdating doon sa mga allegations na naging basehan natin sa pag-file nito,” diin ni Pares.
Magugunita na naghain ng reklamo si Patidongan laban sa nasabing mga pulis sa Napolcom kaugnay ng pagkakawala ng mga sabungero.
Sinabi ni Patidongan na ang mga nasabing pulis ang nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa mga sabungero na ‘diumano’y nandadaya sa sabungan. (Mark Obleada)