Advertisers

Advertisers

CBCP dismayado sa SONA ni PBBM matapos hindi natalakay ang paglaban sa online gambling

0 10

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 28.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Executive Secretary, na hindi nila napakinggan ang hinihintay nila ang hakbang na gagawin sana ng Pangulo laban sa talamak na online gambling.

Giit nito na sana ay pinatutukan na lamang ng pangulo ang paglaban sa online gambling dahil maraming mga kabataan ang nalululong dito.



Hindi dapat aniya balewalahin ang nasabing isyu dahil sa maraming mga pamilya ang nasira dahil sa online gambling.

Matatandaang makailang ulit ng nanawagan ang CBCP sa gobyerno na labanan dapat ang online gambling dahil sa negatibong epekto nito sa pamilya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">