Advertisers

Advertisers

Pagbabawal sa kamag-anak ng opisyal bilang gov’t contractor, isusulong sa Senado

0 9

Advertisers

NAKATAKDANG maghain si Senate President Francis ‘’Chiz’’ Escudero ng panukalang batas na magbabawal sa mga kamag-anak ng mga opisyal ng gobyerno hanggang sa ika-apat na degree of consanguinity at affinity na magsilbi bilang mga supplier at contractor.

‘’Bilang katugunan sa panawagan ng Pangulo kaugnay sa corruption, conflict of interest, at hindi tamang paggamit ng pondo, maghahain kami ng panukalang batas na ang layunin ay ipagbawal up to the fourth civil degree of consanguinity and affinity ang sinumang mambabatas o opisyal ng pamahalaan, nasyunal man o lokal, na maging contractor o supplier sa pamahalaan,’’ pahayag ni Escudero sa press conference.

‘’Para sa akin, klarong conflict of interest ‘yun at hindi dapat pinapahintulutan ‘yun,’’ punto ni Escudero.



Ayon sa Pangulo ng Senado, nais niyang maisama ang naturang panukala sa mga priority bill.

Matatandaang noong Lunes, sinabi ni Pangulong Ferdinand ‘’Bongbong’’ Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address na dapat mahiya ang mga tauhan ng gobyerno na nagnanakaw ng pondo ng publiko, tulad ng para sa mga flood control projects. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">