Advertisers

Advertisers

SC ruling sa impeachment ni VP Sara dedesisyunan ng Senado sa Agosto 6

0 17

Advertisers

NAKATAKDANG talakayin ng liderato ng Senado ang desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklara sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na labag sa konstitusyon sa Agosto 6.

Sa plenary session, sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang petsa ay itinakda sa susunod na linggo upang mabigyan ang mga senador ng sapat na panahon para pag-aralan ang desisyon ng Supreme Court.

Ito aniya ang napagkasunduan ng mga senador na naroroon sa caucus o pagpupulong na ginanap kahapon ng hapon.



“[We] place on record the agreement arrived upon in caucus earlier to set on a date certain the disposition of the matter pertaining to the Supreme Court decision in relation to the impeachment complaint against Vice President Sara Zimmerman Duterte,” pahayag ni Escudero.

“For the record, it was agreed in caucus that the matter will be decided upon by the Senate on August 6, 2025, when we open session on that date in order to afford ample and sufficient time to the members to study the 97-page Supreme Court decision, excluding the concurring and separate opinions filed by five or six additional magistrates of the Supreme Court,” ayon pa sa Pangulo ng Senado.



Una rito, sinabi ni Escudero na hindi na kailangan pang magpulong ang Senate impeachment court matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa konstitusyon ang impeachment case laban kay Duterte.

“Personally, ang posisyon ko bilang abogado ay ito: Nag-desisyon ang Korte Suprema, sang-ayon ka man do’n o hindi, dapat ito’y sundin. Kung hindi, magkakaroon tayo ng constitutional crisis at baka tignan tayo ng mga karatig bansa natin at ibang tao na isang banana republic kung saan sinusunod lang natin ang gusto natin,” wika ni Escudero sa press conference sa Senado.



“Ito ay pagpapasyahan namin pero wala akong nakikitang rason at dahilan personally para hindi namin sundan at sundin ito. Maliwanag ang desisyon ng Korte Suprema—the impeachment complaint is null and void ab initio, meaning from the beginning,” aniya.

Binigyang-diin niya ng Senate chief na kanyang personal na opinyon lamang ito dahil palaging mananaig ang desisyon ng mayorya ng Senado.

Matatandaang sa botong 13-0, idineklara ng Korte Suprema noong Hulyo na labag sa Saligang Batas ang ika-apat na impeachment laban kay VP Sara dahil nilabag nito ang “one-year rule” sa ilalim ng Article XI Section 3 paragraph 5 ng Konstitusyon. Napag-alaman din ng mataas na hukuman na ang mga artikulo ay lumabag sa due process kay Duterte. (Mylene Alfonso)