Advertisers

Advertisers

DOJ MAY BAGONG TESTIGO SA MISSING SABUNGEROS

0 9

Advertisers

MAY bagong testigo sa nawawalang mga sabungero, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, mayroon silang panibagong hawak na testigo kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.

Inaasahan aniyang mailalabas at malalaman ito ng publiko sa mga susunod o lalong madaling panahon.



“Malalaman niyo very soon… mayroon kaming bagong testigo na lalabas,” ani Remulla

Diin pa ng kalihim, hindi lamang basta testimonya ang hawak nila kundi mayroon pang tiyak na ebidensya ang siyang ibinahagi ng naturang testigo.



Aniya, makakatulong ito upang mas mapagtibay ang kredibilidad ng naunang lumantad na testigong si alyas ‘Totoy’. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">