Advertisers

Advertisers

PBBM: MERITO NG IMPEACHMENT VS VP SARA ‘DI NAPAGPASYAHAN NG SC

0 18

Advertisers

BINIGYANG-LINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa isinantabing impeachment case laban kay Vice Pres. Sara Duterte ay tumutukoy lamang sa usaping teknikal at hindi sa nilalaman ng reklamo.

Sa press briefing sa India, iginiit ni PBBM na walang naganap na paglilitis o trial at hindi napagdebatehan ang mga sustansya ng reklamo.

Ayon sa Pangulo, ang naging problema ay ang paraan ng paghawak ng Kamara sa reklamo, partikular ang petsa at proseso.



Kasabay nito, binigyang-diin din ni Marcos na wala siyang papel sa usapin ng impeachment dahil nasa kamay ito ng Kataas-taasang Hukuman, Senado, at Kamara.

Noong Miyerkules, inaprubahan ng Senado ang mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta na kilalanin ang desisyon ng Korte Suprema noong July 25, 2025, na nagresulta sa tuluyang pag-archive ng impeachment complaint. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">