Advertisers

Advertisers

Diane de Mesa bagong single ang “Bibitaw na rin”

0 14

Advertisers

BINABATI ni Diane de Mesa, “Asia’s Princess of Love Songs” ang Police Files Tonite ng “Happy 22nd Anniversary”! Busyng-busy ngayon sa paglalabas ng mga singles si Diane. Kalalabas lang niya ng mga back to back na original songs mula sa kanyang “Begin again” album na official music videos ng “Suko na”, “Wag ka nang magbabalik” at ang mga hiwalay na original singles na “Hanggang dito na lang”, “Alright now” sa pag-areglo ni Jayson Dolotina. Ni-release rin ni Diane nung mga nakaraang buwan ang“Hanggang sa huli” na inareglo ni Obet Rivera na may official music video na dinirek ni Tonz Llander Are kasama ang Daydreamer Production artists.

Nung nakaarang buwan naman ay ni-release ni Diane ang love song na “Sa iyo” sa pag-areglo rin ni Obet Rivera na kasama si Greg Felix sa guitar solo. Nakatampok sa music video ni Diane ang mga real-life couples sa indie artist circle at kanyang mga kaibigan. Abangan naman ang pinakabagong single ni Diane na ilalabas n’ya sa August 9, ang “Bibitaw na rin”. Ito ay inareglo ni Elmer Blancaflor. Ang music video nito ay kinunan sa iba’t ibang parte ng Oahu, Hawaii habang s’ya ay nagbabakasyon doon kasama ng kanyang pamilya. Itong kantang ito ay para sa mga kailangan nang bumitaw dahil pagod na ang puso magmahal nang mag-isa. Tiyak na marami na naman ang mga makaka-relate dito. Ang lahat ng awitin ni Diane ay s’ya mismo ang mga nagsulat. Abangan ang “Bibitaw na rin” at iba pang mga ilalabas na mga awitin ni Diane ngayong taon. I-follow ang kanyang Spotify at iba pang digital platforms.

Follow Diane on all of her social pages:
Facebook: @dianedemesamusic @DDMStudioLive
Group: Dianaticz
Instagram: @diane_demesa
Tik Tok: @dianedemesaofficial
Official website: http://dianedemesa.com