Advertisers

Advertisers

SA PATAS AT KUMPLETONG IMBESTIGASYON NASAAN ANG IBANG AFFIDAVITS CIDG?

0 22

Advertisers

Ito ang pag-uusisa ng isa sa tumatayong abogado ng Staff Master Sergeant na sangkot sa kasong “missing sabungeros” dahil ang affidavit ng 10 kasamahan ng whistleblower ay hindi isinama sa isinumiteng mga dokumento para sa pag-aanalisa ng Department of Justice (DOJ).

Bunsod nito ay umaapela kay Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III si Atty. Bernard Vitriolo, legal counsel ng isa sa mga inaakusahang si Staff Master Sergeant Joey Encarnacion sa mga nawawalang sabungeros na atasan nito ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang 10 affidavit ng complainants laban sa whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan ay isumite nila sa DOJ para sa evaluation.

Nitong August 3, 2025 at sumulat si Atty. Vitriolo kay CIDG Chief Police Brigadier General Christopher Abrahano para magkaroon ito ng kopya ng mga affidavit na isinumite ng 10- katao na mga empleyado ni whistleblower Patidongan.

“Hinahanap natin ang mga affidavits na ito para i-submit sana sa evaluating team ng DOJ para maging patas at kompleto ang kanilang imbestigasyon sa nasabing kaso,” pahayag ni ATTY. Vitriolo nang makapanayam ng ilang mamamahayag sa Pasig City kahapon (Biyernes).

Sa mga affidavit ay itinuturo ng mga complainant na ang magkakapatid na Patidongan ang nasa likod ng missing sabungeros subalit ayon kay Atty.. Vitriolo ay hindi kabilang sa mga isinumiteng affidavit ng CIDG para sa evaluation ng DOJ.

“Ito ay nasa CIDG ngunit napag-alaman namin na hindi ito isinama sa case folder papunta sa DOJ para ito ay makasama sa evaluation in accordance with the Department Circular No. 20.., we must remember that clearly sinasabi doon sa Department Circular No. 20 na pag nagsampa ka ng kaso e-evaluate muna ito para magkaroon ng determination kung meron itong prima facie evidence at merong reasonable certainty o conviction,” pagpupunto ni Atty .Vitriolo

Ang DOJ at ang National Police Commission (NAPOLCOM) ay may prejudging na sa kaso gayung wala pang isinasampang kaso kundi nasa evaluation stage pa lang ay unfair at biased pronouncement na agad ang iniaanunsiyo umano ng DOJ.

Nitong nakaraang Lunes ay pinatawan ng NAPOLCOM ng 90-day preventive suspension ang 12 police officers na sangkot sa missing sabungeros na maliban kay Staff Master Sergeant Encarnacion ay ang kaniyang mga nakasamang inaakusahang ay sina Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Eliab Orapa; Police Major Mark Philip Simborio Almedilla; Police Executive Master Sergeant Aaron Ezrah Lagahit Cabillan; Police Chief Master Sergeant Arturo Opalla Dela Cruz Jr.; Police Staff Master Sergeant Mark Anthony Aguilo Manrique; Police Staff Master Sergeant Anderson Orozco Abary; Police Staff Sergeant Alfredo Uy Andes; Police Staff Sergeant Edmon Hernandez Muñoz; Police Corporal Angel Joseph Ferro Martin; Police Staff Sergeant Renan Lagrosa Fulgencio; at Police Colonel Jacinto Rodriguez.