Advertisers

Advertisers

SA ABOITIZ.., PRESYONG GINTO ANG TUBIG?

0 2,850

Advertisers

Lubhang nababahala ang ating mga kababayan sa ILOILO CITY sa tila ‘HALIMAW’ na nagbabalik sa kanilang komunidad.., na kung hindi ito malulupig ay sisipsipin nito ang kaban ng bawat tahanan at ang pondo ng pamahalaang lungsod.

Bistado na ng nakalipas na liderato ng NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) at ng ILOILO CITY GOVERNMENT ang nakapaloob sa panukala ng ABOITIZ INFRA CAPITAL para pangasiwaan ang JALAUR BULK WATER SUPPLY FACILITY na nagkakahalaga ng P27 bilyon.

Nauna nang tinangihan ito ng NIA at ng ILOILO CITY GOVERNMENT dahil agrabyado ang pamahalaan at ang taong-bayan sa panukala ng ABOITIZ.., ika nga ay napapanahong mapanatili ang posisyon hingil sa isyu upang maprotektahan ang interes ng mamamayan at hindi ng isang kumpanya.

Sa panukala, ang pagmimintina umano sa naturang pasilidad ang makasasagot sa problemang patubig sa ILOILO CITY, gayundin sa sentrong lungsod nito at sa habang 23-kilometrong kanal na pagdadaluyan ng tubig mula sa ilog patungo sa pasilidad ay maseserbisyunan umano ang pangangailangan sa malinis na tubig ng buong lalawigan.

Teka teka.., tanong ng mga ILONGGO na batay sa panukala ay kailangang bayaran ng NIA ang ABOITIZ ng tumatanginting na P27 bilyon bilang ‘availability payments’ sa serbisyo sa loob ng mahigit 33 taon.., kahit walang gagamit sa naturang tubig?

Hindi ba isa raw itong bitag na nagmamaskarang solusyon sa problema? Ang siste ay garantisadong ang ABOITIZ lamang ang kikita sa proyekto, habang dalamhati para sa pamahalaan at sa taong-bayan.

Bakit kamo? Sa kabila ng pagbabayad ng pamahalaan sa ABOITIZ ay plano ng kumpanya na singilin ng P40 pesos per cubic meter (wala pa rito ang VAT) para maserbisyuhan ng patubig at sa level ng mga consumers ay aabot ito sa P80 pesos per cubic meter.., na halos doble sa kasalukuyang bayarin ng mga residente.., hindi ba’t presyong ginto ang patubig ng ABOITIZ?

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Sa mahabang panahon, ang taong bayan at ang pamahalaang lalawigan ang talo, dahil habang hirap sa pagbabayad ay garantisado naman ang kita ng ABOITIZ bago nila isuko ang pamamahala (batay sa isinusulong na proyekto) sa NIA matapos ang 32 taon.

Batay sa Build-Own-Operate (BOO) framework sa proposal ay ang ABOITIZ ang may control maging sa pagmamay-ari ng mga asset.., kaya malinaw na hindi umano ito kolaborasyon manapa’y isang patibong para sa taong-bayan.

Sa tagal ng panahon bago mahawakan ng NIA ang patubig ay mistula na itong ‘white elephant’ water treatment facility bunsod nang pagbaba ng kalidad ng pasilidad at operasyon.

Bukod dito.., ang plano ng ABOITIZ na makuha ang karapatan sa pasilidad na eksklusibong pamamahala ay tahasang paglabag umano sa bidding procedure ng pamahalaan at lubhang mapanganib ang monopolyo sa paglinang ng natural resources.

Mga ka-ARYA.., marapat lamang na laging unahin ang karapatan at pangangailangan ng sambayanan.., kung hindi maaabatan ang plano ng ABOITIZ ay taong-bayan ang talo at magdurusa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.