Advertisers
Ni Archie Liao
MASAYA ang OPM icon na si Nonoy Zuniga na sa loob ng limang dekada ay marami pa ring tumatangkilik sa kanyang musika.
Katunayan ang isa sa pinasikat na kanta niyang “Doon Lang” na naging paborito ng namayapang Da King na si Fernando Poe, Jr. ay patuloy na humahataw sa online streaming platforms tulad ng Spotify.
To date, nakapagtala na ito ng approximately 14 million streams.
Hindi naman nalalayo ang naitalang record ng iba pa niyang hit songs tulad ng “Kumusta Ka”,”Love Without Time”, “Never Say Goodbye” at iba pa.
Looking forward naman si Nonoy sa kanyang upcoming concert na ” Beyond Gold:Songs of A Lifetime” na mapapanood na sa Newport Performing Arts, Resorts World Manila sa September 5 sa ganap na alas-8 ng gabi.
Ani Nonoy, the concert is a showcase of his journey as a singer.
“It will be showcasing my evolution as an artist. The songs that I’ve been singing and hearing since I was born up to the present time. So, panahon pa ng parents ko. My mom has been most influential when it comes to my music and sounds. When it comes to singing, it’s dad, ” pagbabahagi niya.” So, it’s basically my journey as a singer, “dugtong niya.
Isa sa mga aawitin ni Nonoy ang signature song niyang” Never Say Goodbye” na naging titulo ng pelikulang pinagbidahan niya kasama si Vilma Santos.
Hirit niya, posible raw manood ang Star for All Seasons na kanyang naging leading man pero di siya sure kung nakaabot dito ang kanyang lambing.
Marami ring kaabang-abang na segments sa show tulad ng paglalaro niya ng gitara dahil nagsimula raw naman talaga siya as a folk singer.
He will be singing also the most requested songs when he was still a band member at hindi pa solo artist.
Proud naman si Nonoy na marami ang nagkakainteres na i-interpret ang kanyang iconic songs.
“I feel proud and honored na binibigyan siya ng iba’t ibang interpretasyon. Na may recall pa rin iyong songs ko,” sey niya.
Nagbigay din siya ng payo sa baguhang singers na nangangarap to make it to the music scene.
“When it comes to singing, okey lang iyon. You pursue your passion. Pareho-pareho naman kami pero nagkaiba lang sa istilo. It’s more of attitude. Attitude to yourself. To your job when it comes to prolonging your career. Iyong value of humility and also hard work. Iyon ang passport sa longevity mo sa iyong career, “bulalas niya.
Dasal pa niya, given a chance ay gusto raw niyang maka-duweto si Sharon Cuneta sa kanyang concert.
Bet naman niyang maka-collab among local singers sina Erik Santos, Daryl Ong at KZ Tandingan.
Special guests sa much awaited show sina Kuh Ledesma, Lani Misalucha, Marco Sison at Rey Valera.
Mula sa direksyon ni Calvin Niera, may special participation naman sa concert event sina Andrea Gutierrez, Isha Ponti at Raymond Gorospe.