Advertisers

Advertisers

Dia puno ng pagmamahal ang mensahe kay JK

0 17

Advertisers

Ni Beth Gelena

TAUS-pusong binati ni Dia Mate ang boyfriend na si JK Labajo sa kanilang anibersaryo.

Nakatanggap kamakailan ang singer ng isang heartfelt anniversary tribute mula sa girlfriend.

Sa Instagram, nag-upload ang beauty queen ng mga romantic snaps mula sa kanilang bakasyon kung saan ang caption na kanyang isinulat ay puno ng pagmamahal.

Sa mga snaps, makikitang nag-e-enjoy silang magkasama habang sila ay nakikisalamuha sa isa’t isa. “A late anniversary post. Sharing some of my favorite photos with my favorite person. Once again, Happy Anniversary, my love @juankarlos. I love you!” ang viral post na sinulat ng beauty queen.

Naantig si JK sa heartfelt message ng girlfriend.

Ani JK, “Te amo mucho mi amor,” (“I love you so much, my love”).

Ang kanilang matamis na palitan ay mabilis na umani ng atensyon mula sa mga tagahanga, kung saan marami ang bumaha sa comment section ng pagmamahal at pagbati.

Komento naman ng netizens: “Uy, grabe, magkamukha na kayo ah.”

“Cuties! Happy Anniversary sa inyong dalawa!”

“I love you guys so much, my fave couple.”

“Aww, Happy Anniv sa parents ko! Charot!”

“Love this, stay strong JK and Dia! Ang cute niyo!”
***
SHUVEE ETRATA DI AKALAING SISIKAT KAYA PINANGHINAYANGAN NG HEAD WRITER

NANGHINAYANG ang head writer ng isang fantaserye na si Suzette Doctolero sa namamayagpag na career ngayon ng Kapuso young star na si Shaved Etrata.

Wala sa kanyang hinagap na ang young star ay biglang sasambulat ang pangalan sa mundo ng showbiz nang pumasok ito sa PBB Celebrity Collab.

Nagkasalubong ang head writer at si Shuvee sa Gala night ng Kapuso na ginanap sa Marriott Hotel kamakailan.

Nang makita niya si Shuvee ay ubod galang na binati siya ng young actress.

Nakapagbitaw tuloy si Doctolero ng salitang,

“At dahil sa Gala encounter ko kay Shuvee kaya nanghihinayang ako, na tapos na ang taping ng Enca, a few days after noong pumasok siya sa PBB. Malay ba naming sisikat sila! Hahahaha! Sana pala, ginawa na agad naming isa sa bida. Hmp! Pero okey lang, happy pa rin na naging part siya ng Enca fam.”

Sigurado gagawan ng paraan ni Doctolero na magkaroon ng twist ang karakter ni Shuvee sa Enca serye.

Aba, e mas pinag-uusapan pa nga si Shuvee ng netizens na nanonood ng fantaserye kaysa sa mga kilalang bida, e.”

Siyanga pala, malapit na ring mapanood ang life story ni Shuvee sa Magpakailman.
***

BRENT BINISTO ANG NANGYARI SA LOOB NG PBB HOUSE

MAY pasabog ang PBB Big Winner Duo na si Brent Manalo (with Mica Salamin) tungkol sa mga naging issues nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ani Brent nang makapanayam ng PEP,

“Di ko alam kung pwede ‘to sabihin… sobrang magkakasundo talaga lahat to the point na pinupush na talaga kami na magkaroon ng away-away kasi wala silang makuha.”

Tuloy may nagtanong kung ang issues na ginagawa ay sadyang scripted?
“Yes, all tasks are directed towards a story. Yan naman sinasabi always ni Bianca eh. Di xa scripted but it is planned/directed. Then, jan sila kukuha ng story lines nila for airing. Kuya gives tasks to trigger an emotion or action sa mga HM.”

“Not scripted. Hindi naman makokontrol ng management how would they react. Ang makokontrol nila, the specific task, pwedeng mapalabas tunay na ugali or if mas mautak ung housemate like him, pwdeng dedmahin. Remember his iconic “that’s nice to hear, thanks but I don’t need that” when BB was giving an advice to him kahit siya naman may pakana ng drama sa least desirable duo. They need drama and yun ang waley sila makuha. The peak drama I think sa season nila is ‘yung kay Klang and Dustin, that’s it.”

“gumagawa sila kuya ng task sinabi naman din yata yun para.mapalabas un emotion.nila kasi masyado na silang mababait lahat s loob kelangan lahat ng emotion nila lumabas talaga ganun takaga but doesnt mean scripted sya. kinukuha lahat ng emotions nila every task na ginagawa”