Advertisers

Advertisers

Leptospirosis ward ng Sta. Ana Hospital, ginawa ng aktibo muli ni Dr. Grace Padilla

0 36

Advertisers

INIANUNSYO ni Manila Health Department chief Dr. Grace Padilla na ginawa ng aktibo muli ang leptospirosis ward sa Sta. Ana Hospital upang eksklusibong humawak ng mga leptospirosis cases. Ito ay kasabay ng kanyang pagkaalarma sa mataas na bilang ng mga namamatay kamakailan sa nasabing sakit.

Nabatid na base sa pinakahuling statistics, may kabuuang 18 katao ang namatay sa Maynila dahil sa leptospirosis habang marami pa ang naka- confined ng may severe symptoms, ang iba naman ay nagda- dialysis.

Nalulungkot si Padilla na karamihan sa mga pasyente na nagpupunta sa ospital para magpagamot ay nasa late stage na.

Pinayuhan ni Padilla ang publiko na umiwas sa paglusong sa tubig baha at kung wala naman silang magagawa ay agad na humingi ng tulong sa city’s health centers upang mabigyan sila ng prophylaxis at makaiwas sa avoid tumataas na bilang ng leptospirosis cases.

Sinabi ni Padilla na ang prophylaxis ay ibinibigay ng libre at ang mga lumulusong sa baha ay dapat na uminom nito lalo na ang mga may sugat sa paa.

Samantala , inianunsyo ng Ospital ng Maynila (OM) na ang kanilang emergency room ay lagpas na sa itinakdang capacity. May kabuuang 140 leptospirosis cases ang ina-admit sa kasalukuyan.

Si Padilla ay humihingi ng pang-unawa, dahil ang bed capacity sa OM ay limitado at di kayang ang dami ng mga pasyenteng dumarating kamakailan, lalo na ang mga pasyenteng may leptospirosis.

Sinabi pa nito na Ang pasyente ay maaaring ilipat sa ibang city hospitals sa pamamagitan ng referral na magmumula sa OM. (ANDI GARCIA)