Advertisers

Advertisers

Legal online gambling optrs. vs illegal gambling

0 53

Advertisers

NAGBUO ng alyansa ang mga lisensyadong online gambling operator sa gitna ng panawagan na ipagbawal ang online gambling sa bansa.

Inilunsad ang PlaySafe Alliance of the Philippines na may 19 founding members, na nangakong isusulong ang responsible gaming, pagsunod sa regulasyon, proteksiyon sa konsyumer, at paglaban sa ilegal na sugal na tinukoy ng grupo bilang “tunay na kalaban.”

Ayon kay Mike Defensor, tagapagsalita ng alyansa at pangulo ng World Platinum Technologies Inc., operator ng KingPH, LuckyPH, at QueenPH, 70% ng online gambling sa bansa ay ilegal, habang 30% lamang ang legal at may lisensya.



“Ang tunay na kalaban sa usapin ng online gambling ay mga ilegal na market. Walang lisensya, walang kontrol—puwedeng maglaro ang menor de edad, walang bayad na buwis, at hindi sumusunod sa mga patakaran. Sa halip na protektado, nalalagay sa panganib ang publiko,” ani Defensor.

Buo ang suporta ng alyansa sa mas mahigpit na regula-syon laban sa ilegal na operasyon at sa pakikipagtulungan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para palakasin ang responsible gaming measures, maglunsad ng consumer education, at mag-invest sa research at treatment programs laban sa online gambling addiction.



Plano rin ng grupo na magtatag ng independent advisory panel mula sa lokal at interna-syonal na eksperto para magbigay-gabay sa regula-syon, financial technology, consumer advocacy, at public health.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">