Advertisers
Arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region-3 ang 63-anyos na seionr citizen na nakilalang si Alyas Mami sa isang Mall sa Brgy, Greenhills sa lungsod ng San Juan, nito lamang Agosto 8 2025.
Sa report ng PDEA Bulacan Provincial Office kinilala ang tatlong iba pa na sina alyas Jon, 27; alyas Lou, 19; at alyas Yael, 25-anyos, residente sa nabangit na lugar.
Nakuha mula sa kanilang ang 2 knot-tied plastic sachets na naglalaman ng 200 gramo ng shabu at marked money.
Ayon sa PDEA ang senior citizen na si alyas Mani, ang umanoy bulk distribution ng shabu sa San Juan at Bulacan.
Nabatid na naisagawa ang naturang operation sa pakikipagtulungan ng Pdea Bataan, NCR Bulacan at PNP DEU ng San Juan.
Samantala. paglabag sa section 5 o sale of dangerous drugs, in relation to section 26B o conspiracy to sell drugs sa ilalim ng Republic Act 9165.(Thony D. Arcenal)