Advertisers

Advertisers

2 PULIS SIBAK SA KOTONG SA PWD!

0 15

Advertisers

SINIBAK na sa puwesto ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa nilang pulis na nag-viral sa pangongongong ng P3,000 sa isang people with disability (PWD) delivery rider ng Food Panda sa lungsod.

Ayon kay QCPD Director, Colonel Randy Glenn Silvio, ang dalawang pulis na sinibak ay kinasuhan narin ng ‘robbery extortion’.

Nabatid na ang dalawang pulis ay nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Talipapa Police Station 3 ng QCPD.

Sa viral video, isang nagpakilalang Piolo Alonzo, delivery rider ng Food Panda, ang nagsabing 10:35 ng gabi habang papunta siya sa palengke para bumili ng gamot ay bigla siyang hinarang ng mga pulis at sinabing “check point ito”.

Matapos iparada ng biktima ang kanyang motor ay dinala siya ng isang pulis na malaki ang katawan sa madilim na lugar saka kinapkapan at pilit na hinahanapan ng shabu.

Nang sabihin ng biktima na wala siyang itinatagong shabu, hinalukay ng mga pulis ang bag nito saka kinuha ang P3,000 na kinita niya sa delivery.

“Di ko na alam gagawin ko, pagdating ko sa Muñoz tuliro na ako tapos pagsilip ko sa bag ko natira nalang P100 na buo at puro barya nalang po. Sana matulungan n’yo po ako natatakot po ako na baka maulit at taniman na nila ako ng drugs, isa po akong PWD na naghahanapbuhay ng maayos,”

“Sa araw na ito, ang mga sangkot na tauhan ay ire-refer sa Prosecutors Office at itatalaga sa District Personnel Holding and Accounting Section (DPHAS) para sa verification para matukoy ang anumang posibleng pagkakasangkot na may kaugnayan sa reklamo,” batay sa paha-yag ng QCPD).