Advertisers

Advertisers

Paslit kinidnap at pinatubos ng yaya

0 11

Advertisers

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong taon gulang na bata, at nadakip ang yaya nito na kumidnap sa kanya matapos humingi ng ransom nitong Lunes ng madaling araw, Agosto 11.

Sa report ng QCPD Masambong Police Station 2, 8:05 ng gabi ng Linggo (August 10) nang tangayin ng yaya ang bata na halos dalawang taon na niyang inaalagaan sa Aragon St., Brgy. Paltok.

Batay sa imbestigasyon, dumaing ng pananakit ng tiyan ang yaya at nagpaalam sa mga amo na kukuha lamang ng gamot sa kalapit-bahay at sinama nito ang bata, subalit hindi na bumalik pa ang yaya.



Makalipas ang ilang oras, nakatanggap ng text message ang magulang ng biktima na humihingi ng P150,000 ang yaya kapalit ng kanilang anak.

Bandang 12:05 ng mada-ling araw ng Lunes (August 11), nagsagawa ng entrapment ang mga pulis at nailigtas ang mga bata sa yaya sa FPJ Ave., Quezon City.



Inihahanda na ang kaso laban sa salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">