Advertisers
Ni Blessie Cirera
SI Zela ay isang ACE. Isa siyang Filipino-American singer, songwriter, rapper at dancer na nagsimula sa Amerika.
Nagsisimula nang magsulat ng mga kanta si Zela simula nang bata pa siya, ang genre niya ay iba’t ibang musical styles dahil nais niyang hamunin ang sarili niya.
Ilantad ang kanyang career bilang unang Ppop Soloist ng AQ Prime Music. Gusto ni Zela ibahagi ang kanyang musika para maka-inspira ng mas maraming tao sa pamamagitan ng kanyang musika.
Noong September 2023, inilunsad niya ang single na Karma. Inawardan ng Philippine Pop Top New Artist of the Year. Sinundan ito ng ikalawang single na Pogi Boy makalipas ang isang taon.
Matapos ang isang buwan, bumalik si Zela ng kanyang 1st Studio Album na may pamagat na Lockhart. Ang album ay naglalaman ng 10 tracks at karamihan ay sinulat niya.
Ang iba pang kanta ni Zela sa kanyang album ay ang A.C.E. (Activate Confidene to Empower), Arangkada, 01/01, Z.L (Zone Leader) G.O.A.T (Greatest Of All Time), Paraiso, Chaos, Bababa, Hanap Ka Na Lang Ng Iba at Leave Me.
Ang bongga pa ni Zela dahil isang Korean investor ang nais siyang sugalan. Sey ni RS Francisco na isa sa mga boss ng AQ Prime, may mga meeting siya para mapag-usapan ang global exposure ni Zela.
Kaya tiyak na ang pagkinang ng bituwin ni Zela sa larangan ng musika.