Advertisers

Advertisers

Toni, Mommy Pinty At Daddy Bonoy Sinuportahan Si Alex Gonzaga Sa Launch Party Ng SIZZIES.PH

0 11

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

ISA sa endorsement ni Alex Gonzaga ay ang SIZZIES.PH na shapewear and basic outfits made for modern Pinay. At last month sa idinaos na Launch Party ng Sizzies na idinaos sa sosyal na venue. Dumalo si Toni Gonzaga at parents nila ni Alex na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy para suportahan si Alex sa bagong ineendorsong Clothing Company.

Hindi lang yan nasa event din ang hubby ni Toni na si Direk Paul Soriano at mister ni Alex na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada. Suportado rin si Alex ng mga kaibigang social media influencer like Toni Fowler. May mga invited ding vloggers sa said launch party. Ang bongga ni Alex at ginawa pa sa Bangkok, Thailand ang pictorial niya for Sizzies.

As I’ved heard, super benta online ang Sizzies. Ibig sabihin, patunay lang na maraming fans si Alex na tumatangkilik nito. At siyempre si Alex mismo and her AteToni ay suki ng clothing company na ito na sikat na sikat nga sa mga kababaihan.

Masaya naman si Mommy Pinty para sa endorsement na ito ni Alex. Also Toni, na hindi rin nawawalan ng product endorsements.

Samantala, natutuwa ang mga netizens at puring-puri nila ang pamilya Gonzaga na parating napapanood na magkakasama sa Vlog at Tiktok. At madalas ay ka-join na rin sina Direk Paul at Bise Mikee. Also yung brother ni Mommy Pinty na si Uncle Jojo na popular na rin sa social media. In all fairness parating millions ang views ng pamilya Gonzaga sa official Facebook Page ni Alex na ang followers ay 14 million. As of August 7 ay nasa 9.6 million views na ang biruan video upload ng mom and daughter Mommy Pinty and Alex. Walang duda parehong malakas at sikat sa social media sina Alex at Mommy Pinty and of course Toni na madalas ay pini-pick up sa print at social media ang mga interview nito sa mga famous and controversial celebrities sa kanyang most watched Online Talk Show na “TONI TALKS” na mapapanood sa Toni Gonzaga Studio Youtube Channel. As of now, she has 7.95M subscribers and still counting.