Advertisers
NAGTAGUMPAY ang Top Filipino cue artist Carlo Biado at Johann Chua sa pagsimula ng kanilang kampanya sa US Open sa Harrah’s Resort, Atlantic City sa New Jersey Martes ng umaga sa Manila.
Dinimona ni Biado ang Canadian Jason Munro, 9-1, habang si Chua kinaldag si Floro Ritarita, 9-5, sa opening round.
Nakadalawa na si Chua bago tinalo ang Dutch Quinten Pongers, 9-7, sa second round, isang panalo nalang para makapasok sa last 64.
Winnner sa tournament’s 2021 edition, Biado ay makakalaban ang German Boris Ivanovski sa second round Martes ng gabi.
Apat na Pilipino players pa ang may tsansa na makapasok sa knockout phase.
Michael Baoanan, Jefrey Roda, Lee Vann Corteza, Baseth Mocaibat ay may tig-dalawang panalo na para makadikit sa final 64.
Tinalo ni Baoanan ang Amerikano Rajmond Pali, 9-4, at Italian Francesco Candela, 9-3,habang si Roda pinahinto ang Vietnamese Nguyen Hoang Tuan, 9-3, at American Paul Song, 9-1.
Dinaig ni Corteza ang Bulgarian Kristian Dimitrov, 9-4, at Finnish Riku Romppanen, 9-5, habang si Mocaibat naungusan ang Singaporean Toh Lian Han, 9-3, at German Ralf Souquet, 9-5.
Tulad ni Biado,Pinoy players Bernie Regalario, Marvin Asis, at Roberto Gomez nagwagi sa kanilang opening matches pero hindi pa lumalaban sa second round as of posting time.
Regalado ay nakatakdang harapin ang American Donny Mills sa Miyerkules alas 11 ng umaga sa Manila. Habang si Asis ay lalabanan si Jan Van Lierop, at Gomez kontra Turkish Mustafa Alnar.