Advertisers

Advertisers

3 pulis kinasuhan sa imbentong kaso, at ikinamatay ng anak ng biktima

0 16

Advertisers

Humarap sa National Police Commission (Napolcom) si Jayson dela Rosa upang magsampa ng reklamo laban sa tatlong pulis na umano’y nag-imbento ng kaso laban sa kaniya, matapos ang pagkamatay ng anak na si Dion Angelo “Gelo” dela Rosa sa leptospirosis.

Kasama ni Jayson ang kaniyang abogado na si Arnold Valenzuela at si Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.



Nagpositibo si Gelo sa sakit nang lumusong sa baha para hanapin ang nawawalang ama mula pa noong Hulyo 22. Inaresto si Jayson sa isang convenience store dahil sa umano’y pagnanakaw, nguni’t kalaunan, sinampahan ng kaso sa ilalim ng batas laban sa ilegal na sugal dahil sa paglalaro umano ng kara-krus.

“Hinuli pa rin siya ng pulis at sinabihan na magpasalamat dahil ‘di na itutuloy ng 7-Eleven ang kaso. Nung nasa Substation 2 na siya, sinabihan na ‘dahil swerte ka na hindi magpe-press ng charges ang 7-Eleven, bibigyan ka na lang namin ng mas mababang kaso, PD 1602’ parang utang na loob, kahit hindi ito totoo para maabot lamang ang kanilang quota.” pahayag ng abogado ni Jayson.

Kasabay ng administrative complaints, nagsampa rin ng criminal complaints ang panig ni Jason.

Ayon kay Napolcom Vice Chair Rafael Calinisan, posibleng sampahan ng grave misconduct ang mga pulis batay sa testimonya ni Jayson at sa CCTV footage, habang iniimbestigahan din ang posibleng kasabwat na dalawa hanggang tatlong pulis.