Advertisers
INAMIN ni Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa pagdinig ng Senado hinggil sa anomalya sa flood control projects na mayroong ghost projects sa lalawigan ng Bulacan.
Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, gjnisa ni Senador Jinggoy Estrada si Bonoan kung may alam ba ito ng mga ghost projects ng DPWH.
Ayon kay Bonoan, ngayon taon lamang niya nalaman na mayroon mga ghost projects na nag inform sa kanya mula sa ahensya at ito ay kanilang bina-validate sa kasalukuyan.
Marami aniya siyang naririnig na ipinatupad noon taong 2021 at 2022.
Dito na pinangalanan ni Estrada ang mga lugar na may ghost projects na nakarating sa kanya na mula sa Calumpit, Malolos, at Hagonoy sa lalawigan ng Bulacan.
Dito na kinumpirma ni Bonoan na may natanggap nga silang impormasyon na mayroon ghosts projects sa lugar at lumabas sa pagdinig na Wao Wao Builders ang contractor ng naturang flood control projects na pag-aari ng isang Mark Allan Arevalo.
Inamin din ni Bonoan na nakakuha ng P9 bilyong projects ang Wao Wao Builders sa buong bansa at ang P5,971,811,605 bilyon dito ay ang proyekto sa lalawigan ng Bulacan.
Kinumpirma naman ng kalihim na hindi lahat ng proyekto sa bansa ng Wao Wao Builders ay ghost projects.
Dahil dito ipinasubpoena ni Estrada ang may-ari nito na si Arevalo para dumalo sa susunod na pagdinig. (Mylene Alfonso)