Advertisers

Advertisers

Vendors kailangang kumuha ng permit sa Manila Hawkers Division

0 46

Advertisers

Nagkaroon ng meeting ang mga vendors ng Delos Reyes, Sampaloc, Manila kay Manila Mayor Isko Moreno upang pakinggan at tugunan ang kanilang kahilingan at payagan silang magtinda sa lugar na gagawing UGBO sa Sampaloc bilang bahagi ng regulasyon.

Kinakailangan nilang kumuha ng permit sa Manila Hawkers Division sa pamumuno ni Director Raffy Alejandro, gayundin sa mga establisyimento upang maging legal ang kanilang operasyon.

Kasabay nito, isasagawa rin ang pag-aayos ng daloy ng trapiko para sa kaligtasan at kaayusan ng lahat. Kasama sa pagpupulong sina MTPB Director Dennis Viaje at Business Permit Director Levi Facundo, na nanguna sa pagbibigay ng gabay at paalala sa mga vendor.



Kinilala ni Mayor Iskoang karapatan ng bawat nagtitinda na makapaghanapbuhay, basta’t ito ay gawing maayos, malinis, at hindi makakaperwisyo sa ibang tao. (BONG SON)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">