Advertisers

Advertisers

CONG. RICHARD GOMEZ INUPAKAN ANG MAYOR NA TALAK NANG TALAK

0 32

Advertisers

BEAST mode ang aktor at public servant na si Leyte 4th District Representative Richard Gomez dahil sa isang mayor na umano’y putak nang putak.

Ayon sa kongresista, nag-iingay ngayon ang alkaldeng tinutukoy niya hinggil sa n korupsiyon sa bansa.

Idinaan ni Goma sa Facebook post ang kanyang litanya kungsaan sinabi niyang hindi na siya nagulat nang magbato ng kung anu-anong akusasyon ang “malinis” na mayor laban sa ilang kongresista.



“Why is this city mayor making so much noise?

“It doesn’t surprise me anymore that this so-called ‘clean’ mayor is throwing accusations of corruption at us, congressmen.



“Corruption has become the easiest issue to ride on nowadays, but let’s be honest, I don’t think this is all about corruption,” ang simulang post ni Goma na halatang bad trip sa naturang mayor.

Pagpapatuloy niya, “If this is about his own congressman, who happens to bring in more projects for his district than he can for his city, don’t include all of us.”



“You talk nonstop about corruption in Congress, why? Because it’s an easy headline?” sey pa ni Goma.

Ang hirit pa ng actor-politician, mas makabubuti raw kung ang pagtutuunan nalang ng pansin ng alklade ay ang lungsod na kanyang pinagse-serbisyuhan na aniya’y lubog na sa mga problema.

Hindi man binanggit ang pangalan, halatang si Baguio City Mayor Benjamin Ma-galong ang pinatatamaan ni Gomez.