Advertisers
INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules, Mayo 27, na naghahanda na ito ng mga subpoena para sa mga taong huling nakasama, nakausap o may kontak kay Senador Ronald dela Rosa, habang patuloy ang paghahanap sa dating hepe ng Philippine National Police.
Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na sinalakay ng NBI at ng Criminal Investigation and Detection Group ang isang bahay sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga na iniuugnay sa tiyuhin ni Senador Robinhood Padilla.
Ayon sa intelligence reports, posibleng ginamit na taguan ni dela Rosa ang naturang bahay habang iniiwasan niya ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng alegasyong ‘crimes against humanity’ sa madugong war on drugs ng nakaraang administrasyong Duterte.
Sinabi ni Matibag na ilang lugar ang kanilang pinunta-han upang beripikahin ang mga ulat kungsaan umano nagtatago si dela Rosa.
Bagama’t hindi nila natagpuan ang senador, sinabi ni Matibag na napatunayan nilang may koneksyon kay dela Rosa ang mga lugar na kanilang sinalakay.
Kinumpirma rin niya na isa sa mga sasakyang nakita sa subdivision ay konektado sa pagtakas ni dela Rosa mula sa Senado noong Mayo 14.
Nagpakita si dela Rosa noong Mayo 11 sa Senado upang bumoto para kay Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President, at tumakas ng Mayo 14 ng madaling-araw gamit ang sasakyan ni Padilla matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng Senate compound.
Nagbabala rin ang CIDG na maaaring maharap sa obstruction of justice charges ang sinumang magtatago o tutulong kay dela Rosa.
“We know that aiding and abetting and harboring a fugitive from justice carry a corresponding penalty under our laws, and we will not hesitate to use it against anyone we find out is doing so,” ani Ma-tibag.
Aminado rin ang NBI na mahirap hanapin si dela Rosa dahil dati siyang pinuno ng PNP at kabisado nito ang galaw ng law enforcement.
Inihayag din ni Matibag na pinakakansela na nila sa PNP Firearms and Explosives Office ang 118 baril na nakarehistro sa pangalan ni dela Rosa.