Advertisers

Advertisers

Langoy, Pinoy, takbo!

0 6

Advertisers

Sinasabing isa sa pinakamagandang exercise ay swimming. Gumagalaw kasi buong katawan natin. Pati baga natin kasama dito.

Teofilo Yldefonso, Ral Rosario, Akiko Thompson, Eric Buhain at Jasmine Alkhaldi ay ilan sa mga nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa sport ni Mark Spitz.

Ang siyudad ng Naga may taunang paligsahan para sa mga swimmer sa buong bansa. Inoorganisa ito ng Naga City Swimming Dragons sa alaala ni Jesse Robredo, ang paboritong anak ng lungsod. Naging DILG Secretary at 6- term na mayor nila.

Noong weekend ginanap ang ika-5 edisyon ng Jesse Robredo Swim Cup sa Metro Naga Sports Complex. Nilahukan ito ng mga 300 na manlalangoy mula sa Bicolandia, Metro Manila, Zambales at iba pang probinsya. Mapalad ang kalahok itong taon dahil dumalo mismo si Alkalde Leni.

Kilalang mga competitive swimmer ang mga anak nina Sec Jesse at Mayor Leni na sina Aika, Tricia at Jillian. Kasama parati ang mag-asawa sa mga sinalihang palaro ng tatlo.

Sana marami pang LGU ang may kahalintulad na mga prograna sa sports..

***

May isa pang kahanga-hangang lugar sa Bulacan.

Bukas na ang track oval sa San Jose del Monte City. Open na sa publiko ang facility mula alas-5 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon. Pero ika-7 na ng gabi ay mga tao pang tumatakbo o naglalakad ayon Pepeng Kirat na sinubukan tumakbo doon kahapon.

Nung huli tayong magawi dito ay ginagawa pa ang proyekto. Malawak ang lupain ng gobyerno ng SJDM.

Yan ang nais ni Charirman Pato Gregorio ng Philippine Sports Commission. Dapat daw buksan sa tao ang running field para makapag ehersisyo o makapagpapawis.

Yung sa Rizal Memorial Sports Complex ay nagagamit na ng taong-bayan sa araw-araw nilang pag-jogging.

***

Parating muli si Leila Barros sa Manila bilang panauhing pandangal ng FIVB Men’s World Championship sa SM MOA Arena sa ika-27 hanggang 28 ng Setyembre.

Ang Brazilian volleyball legend ang naging idolo ng maraming Pilipino nang una pa lang niyang pagtapak sa Pinas. Yung pagbisita niya ilang dekada na nakaraan ang naging simula ng popularidad ng game sa atin. Bukod kasi sa mahusay ay maganda at sexy pa.

Yung kasabihan sa Ingles na “ captured our hearts” ay akmang-akma kay Barros na isa ng pulitiko sa bayan nita sa South America.

Inamin ng iba nating player na kaya sila natutong mag-volleyball ay dahil sa kanya.

Ang 53 anos ay may asawa at isang anak na lalake.

“ Happy to always visit the Philippines because of the fans,” eka ni Barros.