Advertisers

Advertisers

Kimpau faney atat na sa pelikula ng mga idolo; Jarren super labs ng fans

0 79

Advertisers

Ni RONMEL PLACENTE

NAKATUTUWA naman si Jarren Garcia. Mahal niya at binibigyan ng importansiya ang kanyang mga faney.

After ng performance niya, kasama ang ka-loveteam na si Kai Montinola sa katatapos lang na 37th Star Awards For TV with partnership sa BingoPlus, pinuntahan niya ang grupo ng isang fan club niya, na naghihintay sa kanya sa labas ng venue. Nagpa-picture siya sa ito,. At hindi lang ‘yun, nakipagkwentuhan at nakipagbiruan pa siya sa mga ito. Kaya naman sobrang saya ng mga faney ni Jarren.

Sabi ni May, na member ng fan club ni Jarren,”Laging may time si Jarren sa amin kaya talagang mahal na mahal namin siya. Hindi kami magsasawang suportahan siya.”

Sundot naman ng isa,”Gwapo na, mabait pa si Darren.”

In fairness, gwapo talaga si Jarren. Kaya ‘yung isang bading na kasama namin sa panulat, nang makita niya sa awards night, sinabi na lagi raw niya itong isusulat. Gusto niya raw makilala at maging close si Jarren.

Talbog!

***

PANAY ang chat sa amin ng mga faney nina Kim Chiu at Paulo Aveliino, asking kung kelan daw ba ipalalabas ang The Alibi.

Excited na raw kasi silang mapanood ang bagong serye ng KimPau.

Nag-chat kami sa isang insider sa ABS-CBN para tanungin kung kelan nga ba ipalalabas ang The Alibi.

Reply niya sa amin, baka sa November o sa January na raw ng susunod na taon.

O ayan mga KimPau faney, tatlong buwan na lang pala ang hihintayin ninyo, kung matutuloy nga na ipalabas na sa November ang The Alibi.

Ang gawin ninyo mag-message kayo sa ABS-CBN at kulitin ninyo sila para maipalabas na nga sa November ang serye nina Kim at Paulo.