Advertisers

Advertisers

Sey mo Jeric… Rabiya may bago nang dyowa

0 20

Advertisers

Ni Archie Liao

VIRAL ang litratong ipinost ng isang kilalang PBA player sa kanyang Instagram account.

Sa photo, all smiles si Rabiya Mateo habang nag-eenjoy sa kanyang sightseeing trip.

Obviously, kuha ni cager ang nasabing photo ng beauty queen-actress.

Sa ngayon, hindi na makita ang nabanggit na photo ni Rabiya sa IG ng basketball player na ikinaintriga ng mga nagmamahadera.

May nakapansin pa na tumangos ang ilong ni Rabiya sa pic kaya inuurot na nagparetoke ito.

Ito naman ang komento ng kibitzers sa naturang resibo.

“break na pala sila nung taga GMA”

“Iba na ulit girlfriend ni Caracut?”

“Maganda si Rabiya jan infairness very fresh”

“parang hindi siya problematic ngayon.”

“katemplate na ni sanya un nose nia.” “pwde na sila gumanap ng kambal or kapatid sa tv”

“Iisa gumawa ng ilong nila ni Sanya.

” In fairness ang ganda ng gawa ng ilong”

Matatandaang noon pa nababalitang hiwalay na sina Rabiya at Jeric Gonzales bagama’t wala pa namang opisyal na pag-amin ang dalawa sa kanilang break up.

Sa pinakahuling panayam din kay Jeric, iwas pusoy din siya kapag natatanong tungkol kay Rabiya.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Rabiya hinggil sa isyu.

****

FDCP Chair inanunsyo ang contenders sa Oscars 2026

INANUNSYO ng Film Development Council of the Philippines sa pamamagitan ng Chair nitong si Joey Javier Reyes ang possible contenders bilang pambato ng bansa sa 98th Oscars sa kategoryang best international feature category.

Ang pitong pelikulang kasama sa short list ay ang “Hello, Love Again”, “Sunshine”, “Green Bones”, “Magellan”, “Food Delivery”, “Some Nights I Feel Like Walking” at “Song of the Fireflies.

Ang “Hello, Love Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay nananatiling may record bilang highest Pinoy grossing film of all time.

Ang “Green Bones” ni Zig Dulay naman ay nagwagi bilang best picture sa MMFF noong nakaraang taon.

Ang sports drama movie namang “Sunshine” ni Antoinette Jadaone na pinagbidahan ni Maris Racal ay nagwagi ng Crystal Bear for Best Film sa Berlin International Film Festival noong Pebrero.

Ang kontrobersyal na documentary film na “Food Delivery” ni Baby Ruth Villarama ay nanalo ng best festival award (Tides of Change) sa Doc Edge Festival sa New Zealand.