Advertisers

Advertisers

Kobie Brown ayaw aminin ang tungkol sa kanila ni Jillian Ward

0 5

Advertisers

By Anne Venancio

Mas pinipili ni Kobie Brown na manatiling pribado ang kanyang love life sa kabila ng mga usap-usapang inuugnay siya sa Kapuso actress na si Jillian Ward.

Sa media day ng Cornerstone Entertainment noong Hulyo 26 sa Quezon City, sinabi ng 22-anyos na Filipino-British actor na masaya siya sa kasalukuyang takbo ng kanyang buhay ngunit may mga bagay na nais niyang ilayo sa publiko.

Ayon kay Kobie, nakatuon siya sa kanyang career at isa ito sa mga pinakamasayang yugto ng kanyang buhay. Hindi rin siya nagbigay ng direktang sagot nang tanungin kung siya ang tinutukoy na “mystery guy” sa buhay ni Jillian.

Ibinahagi ng aktor na una niyang nakilala si Jillian sa isang event at umaasa siyang makakatrabaho ito sa hinaharap.

“She’s someone I’d love to work with,” ani Kobie.

Kasama ni Kobie sa media day ang kapwa Cornerstone at Sparkle artists na sina Michael Sager, Zephanie, Gaea Mischa, at Anton Vinzon, gayundin ang “Born to Shine” director na si Rod Marmol.

Sa kabila ng mga lumalabas na espekulasyon tungkol sa kanyang personal na buhay, nananatiling nakatuon si Kobie sa pagpapalawak ng kanyang karera at sa mga bagong proyektong naghihintay sa kanya sa industriya ng entertainment