Advertisers
By Anne Venancio
New era unlocked! Handa na si Julia Barretto na harapin ang panibagong yugto ng kanyang career bilang independent artist.
Aniya, gusto niyang makatrabaho ang iba’t ibang filmmakers, production houses, at artists basta’t ang proyekto ay may magandang kuwento at makabuluhang mensahe.
Unang hakbang niya sa bagong chapter ang pagsabak sa MMFF 2026 horror film na “Haunted Carnival.” Kaya naman mas excited ang aktres dahil ito ang unang pagkakataon niyang makatrabaho sa isang pelikula ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Ibinahagi rin ng aktres na naging mahalaga ang maikling pahinga niya sa pag-arte matapos ang blockbuster success ng Un/Happy for You. Dahil dito, mas naging malinaw sa kanya kung anong klase ng mga proyekto ang gusto niyang gawin, mga kuwentong may lalim, may impact, at nagbibigay ng fulfillment bilang artista.
Hindi rin nakalimutan ni Julia na magpasalamat sa lahat ng management at production teams na naging bahagi ng kanyang journey, dahil malaki ang naging ambag ng mga ito sa kanyang karera.
Mapapanood ang “Haunted Carnival” sa mga sinehan ngayong Pasko, kasama sina James Reid, Maricel Soriano, John Arcilla, Fyang Smith, Joaquin Arce, Celyn David, at Charlie Fleming.