Advertisers

Advertisers

CONSUELO DE BOBO

0 66

Advertisers

Makaraang sibakin sa puwesto unceremoniously itong si dating PNP chief,General Nicholas Torre IIII ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,maugong sa apat na sulok ng main stream at social media na may iaalok umanong bagong tungkulin kay Torre itong si BBM.

Mismong si SILG Jonvic Remulla ang nagsabi nito sa isang press conference, few moments before the hastily held turn-over ceremony sa Camp Crame nitong Martes.

Ironic dito po ba?

Sinasabing sinibak na itong si Torre bilang hepe ng pambansang kapulisan at uupo na bilang kapalit nito ni Lt.General Jose Melencio Nartatez Jr.

Sa unang mga pahayag, walang binabanggit na dahilan bakit biglaang sinibak itong si Torre.

Ang order sa pagsibak kay Torre ay pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Imagine,ilang beses pinagdiinan ni SILG Remulla na ang kautusan ay mula umano mismo kay BBM yet the President himself had

” NO BALLS” na siya mismo ang gumawa at pumirma ng relieve order ni Torre!

Idinaan pa talaga kay ES Bersamin!

Bakit kaya?

Para wag naman masyadong ma- amplify ang ginawang pagsibak?

Ganun ba yun?

It reminds me of Pontius Pilate ( Poncio Pilato) nang husgahan nito si Jesukristo.

Naghugas ng kamay!

Although wala naman talagang literal na paghuhugas ng kamay na ginawa si Marcos Jr , obvious na iwas- katawan lang ang tarantado hehehe!

Sa nakaraang kolum natin, tinalakay ng inyong abang lingkod ang humiliating effect ng biglaang pagsibak kay Torre hindi lamang sa mismong opisyal kundi sa pamilya at mga mahal sa buhay nito partikular na sa mga anak na nabilad sa matinding kahihiyan.

Hindi lamang po ang paraan sa pronouncement ng pagsibak kay General Torre ang masakit, may ilang pa pong pangyayari na nalaman natin sa likod ng mga balita… ang nakapangyari umano noong araw na ‘yun ng Martes, August 26,2025.

Umugong sa buong Kampo Crame ang usap- usapan kung paanong nasaksihan ng buong PNP community ang ura- urada at nagkukumahog na pag- aalsa- balutan ng buong household ni General Torre mula sa White House na official residence ng isang sitting PNP chief.

Bakit tila minamadali ang pagpapalayas sa pamilya ni Torre from the White House?

Wala na bang respetuhan?

Hindi ba puwedeng makapaghintay ng kahit isang (1) araw man lamang para maayos na makapaglipat ang pamilya ni Torre?

Parang may hindi tama sa mga nangyari!

Isang pang kapansin-

pansing bagay ay nang hindi na inantay pa si outgoing PNP chief Nicholas Torre sa ginanap na turn- over ceremony. Hindi man direktang sabihin ay kaiba ito sa PNP protocol na nakasanayan sa mga kahalintulad na seremonya ng pagpapalit ng liderato.

Tila ito ang kauna- unang insidente na ang isang pinalitang PNP chief ay wala o absent sa ginanap na turn- over ceremony.

May rason ba kung bakit tila masyadong minadali ang mga kaganapang nakapangyari nitong araw ng Martes sa Kampo Crame?

Hindi ito nalihim sa mga kapulisang naroon ng araw na yaon.

Napakaraming katanungang lumutang at espekulasyon nagsulputan.

Lahat ay direktang negatibo sa moral ng bawat kapulisan at ng buong institusyon!

Mistulang binaboy ang PNP dahil sa pulitika at pang personal na interest ng iilang GAGO at walanghiya!

Pati ang pag- aalis ng mga personal na gamit ni General Torre sa kanyang opisina ay kapuna- punang minadali rin as if na may nagmamando para mabilisang i- vacate ang naturang tanggapan.

May gusto bang hiyain ang kung sino mang grupo sa likod ng mga pangyayaring Ito?

And exactly one day after, kung saan tila nahimasmasan na ang karamihan at ang ilang partido at mukhang nag- mellow down na ang sitwasyon…after realizing what they have done base sa reaksyon ng publiko.

Naglabasan naman ang mga pampalubag- loob na mga salita para kay General Torre.

Ang mga pa-consuelo de bobo kunong offers para sa sinibak na 4- star general hehehe.

Ilalagay daw si Torre para pamunuan ang bubuhaying Presidential Anti- Corruption Commission na si Bongbong Marcos mismo ang bumuwag!

Di ba isang malaking kakupalan?

Isang lantarang pambubudol na naman at pagpapaikot?

Sisibakin mo ang isang tao unceremoniously and without courtesy mula sa isang sensitibong posisyon tapos isasalpak mo sa isang presidential commission na puwesto na bubuhayin mo pa lamang at non- existent ?

Tang Ina naman… as in adding insult to injury!

Winalanghiya nyo na nga at ginago ‘yung tao, gagawin nyo pang bano at tanga!

Anong tingin nyo sa mga sarili nyo… DIYOS?

“What goes around,comes around”!

Remember, lahat ng palayok,may katapat na saklob!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com