Advertisers

Advertisers

PBBM: Lifestyle check sa lahat ng opisyal partikular DPWH

0 6,401

Advertisers

INIUTOS ni Pangulong “Bongbong” Marcos ang ‘lifestyle check’ sa lahat ng kawani at opisyal ng gobierno partikular Department of Public Works and Highways (DPWH) sa gitna ng mga ginagawang imbestigasyon sa nabunyag na mga iregularidad sa multi-billion flood control projects.

Tinanggap naman ni PBBM ang hamon ng kanyang mga kritiko na sumailalim din siya sa lifestyle check.

Sa lifestyle check, titingnan dito ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN), kung nakadeklara ang kanilang mga kuwestiyunableng ari-arian at kung tugma sa kanilang sinusuweldo sa gobierno.

Ilang impeachable officials na ang natanggal at na-ban sa govt. post dahil sa pagsisinungaling sa SALN, kabilang na sina late Chief Justice Renato Corona, Ma. Lourdes Sereno, at isang Ombudsperson.

***

Sa gagawing lifestyle check, tiyak maraming DPWH officials ang madadale partikular ang regional, district at provincial engineers na talaga namang ubod na kukurap!

Dito mabubuking ang mga conflict of interest sa kanilang trabaho. Dahil karamihan sa mga engineer na ito ay mga kontraktor din, gumagamit ng dummy, o sila rin ang kumukuha ng kontraktor. Mismo!

Dapat sa mga engineer ng gobierno na nasasangkot sa mga katiwalian ay bawian din ng lisensiya, tulad ng sa abogado na nadi-disbar, at pagbawalan nang magtrabaho pa sa gobierno. Mismo!

Isang mungkahi pa natin ay kunin ang lahat ng ari-arian ng DPWH engineers na napatunayang sangkot sa mga hukos-pukos na proyekto lalo kung wala talagang nagawa or “ghost”.

Do it, Mr. President!!!

***

Magle-leave nalang daw si General Nicolas Torre matapos siyang palitan bilang Chief PNP dahil sa ‘di pagtalima sa kautusan ng Napolice Commission na ibalik sa puwesto ang mga binalasa niyang 3rd level police officials.

Gagamitin aniya maximum amount na pinapayagan sa kanya matapos siyang maalis sa puwesto.

Hangga’t hindi nagreretiro si Torre, ang ipinalit sa kanya na si Lt. General Nartatez ay mananatiling 3-star General. Saklap!

Ayon naman sa Malakanyang, may nakalaan na cabinet position para kay Torre. Pero hindi ito sinabi kung anong puwesto.

Kung sakali, ang puede kay Torre ay NBI Director.

Bakante ang NBI directorship, matapos magsumite ng resignation si retired Judge Jaime Santiago few weeks ago.

Sinabi ni Santiago na bababa siya ng puwesto kapag may kapalit na siya. Ipuwesto na si Torre!

Si Torre ang umaresto sa noo’y puganteng si Pastor Apollo Quiboloy na ilang buwan nagtago sa kanyang lungga sa Davao City matapos ma-wanted sa mga kasong pang-aabuso at panggahasa. Dinakip din niya si ex-President Rody Duterte na nakakulong ngayon sa ICC.

Asset si Torre ng Marcos adminstration.