Advertisers

Advertisers

Political Will ang solusyon sa non-stop Corruption

0 1,700

Advertisers

Laman ng pahayagan, social media, podcasts at telebisyon ang walang katapusang batikusan — mga local government, national government personalities at mga personahe na walang humpay ang pagpo-post sa social media ng kani-kanilang saloobin tungkol sa walang katapusang issue ng graft and corruption.

Ang administration ni Marcos Junior ay “nasasalang ngayon sa kalan na ang apoy ay di maapula gayong tapos na ang lutuan o ang niluto!” Ito ang pananaw ng inyong Koyang! Ang naunang umalagwang tulad ng isang papagayo o saranggola ay ang DPWH — isang kagawarang ayon na rin sa koyang “Jamangz” ng PMA class ’77, ay may 5 dekada na halos namamayagpag sa mga gawaing inprastraktura ng gobyero na hindi di maaabot ng sinuman kung nasa magkano na ang nawawaldas na pera ni Juan dela Cruz – na nauuwi sa kanilang bulsa at sa lukbutan ng mga “tongresistang tongtretista rin at mga senatong na kunwa”y tahimik na nagbalat-tupa kaipala’y kaalaman ng mga buong na kontratista?!”

Ang mga “insertions” na dati rati’y hindi kilala ng ordinary layman, ay salitang bantad na ngayon. . . ang kalakaran ng mga MAMBABATAS na naka-robang animo’y Honorable ay di na nababagay na sila’y tawagin: KARAMIHAN SA KANILA AY ISINANTABI NA ANG DANGAL AT HINAYAAN NANG MADUNGISAN ANG PURI AT PAGKATAO DAHIL SA TAGINTING NG PILAK…
KAPALIT NGA NG HINAGPIS AT DUSA NG ABANG SI JUAN DELA CRUZ!

Ngunit maroon pa ring liwanag sa GITNA ng kadilimang ito na bumabalot ngayon sa kalakhan ng buong bansa—ang mga “crusading groups of concerned and people” tulad ng Mayors for Good Governance na kinatatampukan ng Mayor ng Baguio City na dating heneral ng PNP, Benjamin Banez Magalong ng PMA class 82. Kasama ang ilang natitirang mayors ng bansa tulad ng batang-batang di-mabahirang dungis na Mayor ng Pasig City Vico Sotto at mahigit na 70 pang alkalde.

Malusog ang talakayan sa FB at sa Instagram…lahat ng mga komento at pasaring na matatalim at masakit ay malayang nasasambit ng mga may akda. May mga bangayan na panandalian…may solusyon ding ibinabando na sana’y makaabot sa kinaukulan—sa Malacanang!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Isang matinding pagpapakita at paglalahad ng mala-dambuhalang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay ang Discaya Fleet na ang garahe ay sadyang pinagkagastusan masiguro lang na ang di-mabilang sa mga daliri ng kamay at paa na mga sasakyang gawa sa Europa at ibang maririwasang bansa sa buong mundo, ay “well-preserved and taken cared of!” Aba’y dapat lang naman dahil puros higit sa 6 – 12 silindro ang kapabilidad ng mga makina ng mga high-end SUVs at sports cars … e me payong pang “napamahal pero di pa nagagamit e!”

Lawit sa tri-media at social media ang tuloy-tuloy na pagpapalabas nito na sabi ng mga dabarkads sa mamimitik at manunulat ay may kulay ng “delicadeza” dahil sa puntong ang interviewee ay isang political wannabe na talunan sa isang “crusading young and well educated gentleman son of famous film and TV personalities.” A very neophyte graduate of a prestigious school yet has an endearing affection and compassion to the lowly citizens of Pasig City – –Koyang.

Ang ba ang puno’t dulo kung bakit ang interview na ito ay “ibinisikleta” sa socmed at mainstream media? May nagsasabi na ito raw video na ito ay nuon pa lumabas at naulit na lang uli ngayon? Sa talamitam nila sa video —sa bibig mismo ng interviewee na si Sarah Discaya lumabas ang “bigger than life revelation” na nagsimula ang kanilang pagbabago ng kalalagayan sa buhay “nang sila ay nag-DPWH!!!!????” KAYA…ALAM NA THIS!

NGAYON ANG BOLA AY NASA KAMAY NG BATANG MARCOS JUNIOR! Sabi ni Mayor Benjie Magalong sa usapan nila ni “ading” Jessica Soho (my endearing call for her eversince) — na sinabi ng Pangulong BBM na nararapat lang na masolusyunan ang problemang ito na balakid sa progreso ng bansa bago man lang daw matapos ang kanyang termino —bilang legasiya na maiiiwan niya sa taong-bayan. Harinawa Mister Marcos!!! Pagpalain ka ng Puong Maykapal.