Advertisers

Advertisers

‘Komunikasyon mahalaga para sa taumbayan’ – Mayor Isko

0 50

Advertisers

Binigyang-diin ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na mahalaga ang komunikasyon para sa taumbayan at hindi sa isa’t-isa lang.

Ang pahayag na ito matapos ang banggitin ni Mayor Isko sa kanyang talumpati nang dumalo sa National Press Freedom Day Celebration sa National Press Club (NPC), at wreath laying   ni Gat Marcelo H.Del Pilar nitong Sabado, Agosto 30,2025, na trabaho ng mga mamahayag na i-call out at magbigay ng inspirasyon sa mga nangyayari ngayon sa lipunan.



Ukol din ito sa nagiging gamit sa social media kung saan may ilang pulitikong artista na dapat maging responsable at maayos ang pagtanggap sa mga kritisismo.

Ayon kay Domagoso, hindi lang sa mga artista na naging pulitiko nguni’t para sa lahat na nasa gobyerno.



“Syempre sa industriya naming mga artista, it goes to everyone na sa taong gobyerno –syempre kami may pananagutan sa taumbayan.”

Aniya, may gampanin silang tungkulin na kailangan tupdin kaya ang mga mamamahayag   kailangan namang gawin ang kanilang tungkulin lalo na kapag may kaugnayan sa lipunan.



Dagdag pa ng alkalde, trabaho ng mamamahayag na ipahayag ang balita at kung mababanggit naman aniya , ang mga taong gobyernong katulad niya na madalas na binibigyang pagkakataon na sumagot at maipaliwanag.

“But at the end of the day , whether journalist and people in the government, mahalaga yung communication para sa taumbayan –hindi sa isat-isa lang kundi sa mamamayan so that would be proper guided and let the people decide what really happen, transpire and what they want to believe” dagdag pa ng alkalde.

Naniniwala naman ang alkalde na responsable sa mga mamahayag at mga pulitiko naman, tungkulin na maging responsable sa kanilang mga gawain. (Jocelyn Domenden)