Advertisers

Advertisers

Anak ni Patrick pinasok na ang pag-aartista

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINDI napapanood ngayon sa isang serye si Patrick Garcia. Ang huling seryeng ginawa niya ay ‘yung Playtime noong 2018 pa. Kaya naman aminado siya na nami-miss niya na ang gumawa ng isang serye.

“Nami-miss ko na talaga. Naghihintay na sana may magandang dumating na opportunity,” sabi ni Patrick nang maka-chat namin.

Hindi man visible sa serye, sa pelikula ay hindi naman nababakante si Patrick.

In fact, dalawang magkasunod na pelikula ang nagawa niya, na pareho niyang nakasama ang mga kaibigan niyang sina Paolo Contis at Kaye Abad. Ito ay ‘yung A Journey at ConMom.

Samantala, pinasok na rin ng anak ni Patrick na si Michelle ang pag-aartista. Sa tanong namin sa kanya kung siya ba ang nag-encourage kay Michelle na pasukin na rin ang showbiz, ang sagot niya,”Siya mismo ang me gusto. Hindi ko sya kaylan man inimpluwensyahan. Hilig nya talaga ang pag perform.

Ano ang ibinigay niyang payo sa anak, ngayong gaya niya, ay nag-aartista na rin ito?

“Always be humble and mahalin nya ang ginagawa nya,”

Paano pag aaral niya?

“Home school si Michelle kaya very flexible ‘yung schedule nya,”sagot ng dating matinee idol noong 90’s.

***

MAY bolitas ang sikat na aktor na ito. Tsika yan ng mga kasama niya sa set ng isang primetime TV show. Nagkatuwaan daw kase ang mga kasama niya na magpabolitas. Nang malaman ng aktor, dahil barkada niya na rin naman ang turing niya sa mga ito, nagpalagay na rin siya. Ganyan makisama ang aktor, na pati pagpapalagay ng bolitas ay ginawa niya.

Clue: Ang initial ng pangalan niya ay nasa umpisa at gitna ng alphabet.