Advertisers

Advertisers

Bea niintrigang may ‘prenup’ sa dyowa

0 19

Advertisers

Ni Archie Liao

GAANO katotoo na engaged na raw si Bea Alonzo sa kanyang boyfriend na bigwig ng isang supermarket chain?

Ang tweet ng isang bubuwit, nangyari raw ang engagement sa ibang bansa habang sila ay nagbabakasyon.

Ang siste, may mga kumakalat pa na unconfirmed reports na may pinirmahan daw na prenup agreement ang dalawa.

Lalo pang umugong ang balita nang i-like ni Bea Alonzo ang latest news regarding sa prenup agreement ng American singing idol na si Taylor Swift at ng fiancé niyang si Travis Kelce.

Maraming kibitzers naman ang sang-ayon dito lalo pa’t ang net worth ni Swift ay around $1.6 billion samantalang ang kanyang boyfriend na football player ay merong $90 million na napakalaki ng agwat.

Ito naman ang hirit ng mga nagmamarisol sa nasabing espekulasyon.

“So iyong hiwalayan nila ng ex has something to do with prenup.”

“So agree siya sa prenup nina Swift at Kelce.”
“I think, okay na rin iyon to protect both sides.”

“She worked hard for what she has. Prenup should be the norm for couples. Whether it was for her and her ex before or her and Vincent if they get married, it’s a smart thing to do. Masyado lang naging negative ang connotation ng prenup sa iba na kesyo di nagtitiwala sa mapapangasawa, minamata ang mapapangasawa o pinagdududahan when in fact it’s also securing what you have when you get married.”

“Iyon din siguro ang gusto ng pamilya ng guy especially sobrang yaman din ng clan niya.”

“Bilyonarya rin naman si Bea. Kaya hindi masasabing wealth lang ng guy ang habol niya.”

“Traditional Chinese iyong family ng guy kaya expected na iyon.”

“Iyon din ang naging kundisyon niya kay Dom na normal lang.”

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Bea at ng kanyang nobyo hinggil sa nasabing usapin.