Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAGKAPATID sina Paolo at Marco Gumabao na parehong in-demand actors ngayon.
Tinanong namin si Paolo kung nagbibigayan ba sila ni Marco ng advise o tip sa pag-aartista?
“Oo, palagi,” bulalas ni Paolo sa isang interbyu namin sa kanya before.
“Lalo na nung nag-i-start pa lang ako, tapos medyo matagal na kasi siya sa showbiz, mga ilang years na rin, basta palagi niyang sinasabi sa akin na importante na maging mabait ka sa lahat ng mga tao sa paligid mo, regardless of kung gaano sila kataas na tao, o gaano kababa.
“Kailangan nating respetuhin ang lahat ng mga tao, kumbaga.”
Pagdating naman sa career, kahit pareho silang artista ay wala raw sibling rivalry sa pagitan nila ni Marco kahit pareho silang nalinya sa paggawa ng sexy at daring na pelikula.
Supportive raw sila sa bawat isa, one hundred percent ang support system nila sa bawat isa.
Kapatid din nila ang volleyball player, actress at beauty queen na si Michelle Gumabao.
Tinanong namin si Paolo kung kanino kina Marco at Michelle siya mas close.
“Marami po kasi kaming magkakapatid, actually walo kami.”
Silang tatlo lamang nina Marco at Michelle ang nasa showbiz.
“Well, magkaiba kasi yung closeness namin ni Marco tsaka yung closeness namin ni Michelle.
“Siyempre kami ni Marco may mga sariling bonding kami like nagba-basketball kami, nagbi-video games kami.
“Si Michelle naman ang bonding naman namin niyan mahilig kaming makipagkuwentuhan sa isa’t isa. Kahit gabi na. Nagkukuwentuhan lang kami about life.
“So different bonding kami each na magkakapatid.”
Ang mga artistang nais ni Paolo na sundan ang mga yapak o gayahin ay sina Arjo Atayde, Jake Cuenca at Piolo Pascual, at si Coco Martin na tulad ni Paolo ay nagsimula sa paggawa ng daring films.
Nais din ni Paolo siyempre na makatrabaho balang araw ang mga nabanggit na aktor.
Sa babae naman, si Ivana Alawi na crush niya ang nais maging leading lady ni Paolo kung mabibigyan ng pagkakataon.
Bagong pelikula ni Paolo ang “Spring In Prague” kung saan siya ang male lead star kapareha ng Czech actress na si Sara Sandeva.
Ipapalabas malamang sa Nobyembre., nasa “Spring In Prague” rin, na isang romance/drama film sina Elena Kozlova, Tori Topacio, Ynah Zimmerman at Marco Gomez
Ayon kay Paolo ay sobra niyang na-enjoy ang shooting nila sa Prague, dream-come true raw niya na makagawa ng pelikula sa ibang bansa.
Kamakailan ay napanood din si Paolo sa sexy stageplay ng BenTria Productions na Walong Libong Piso na balita namin ay may repeat sa December sa Tatrino sa Greenhills.